Unedited
Harold's POV
"Welcome Home!"
Bati sakin ni lucas the moment na pumasok ako sa loob ng kwarto namin.
Napatitig ako sa kanya, hanggang sa magkatitigan kaming dalawa.
"Ang corny mo na, di ako sanay" sabi ko nalang, saka ko inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto.
Namiss ko ang kwartong to kahit ba halos isang araw lang naman akong nawala.
Agad akong pumunta sa higaan ko at agad na nahiga,
"Woah, namiss ko ang higaan ko" sabi ko.
Agad namang tumabi ng higa si lucas sakin at agad akong niyakap.
"Wag ka ng umalis sa susunod ha, para wala kang namimiss" sabi nito sakin habang naka-siksik ang mukha nya sa leeg ko.
Hinawakan ko ang pisngi nya, "sa susunod kasi wag na kayong nag pa-plano ng ganong klaseng bagay okay?"
"It's not my fault, natuwa lang ako sa mga plano ni pia" sagot nya.
"Masyado ka kasing nag papaniwala sa babaeng yun e, di mo ba alam na bakla talaga yun?" napa-upo sya sa siwalat ko tungkol kay pia.
"Di nga? Shet, ang ganda naman nyang bakla" mangha nyang sabi.
Napa-buga ako ng hangin, at napa ikot ng mata.
"Si pia maganda?" tanong ko.
Nahiga sya muli sa tabi ko "Oo, maganda naman si pia a, kaso sabi mo nga bakla" sagot nya.
"Sira, di sya bakla, totoong babae yun, pero di sya maganda okay?" Inis kong sabi.
"Maganda kaya si pia" pamimilit nya.
"Hindi kaya!" Sagot ko naman.
"Maganda sya------Aray!" Reklamo nya ng mahulog sya sahig matapos ko syang itulak.
"Letse ka! Oo na maganda na si pia, sige na puntahan mo na sya at pakasalan mo, hinayupak ka!" Inis kong sabi.
Agad syang bumalik ng higa sa tabi ko at agad akong niyakap.
"Sorry na Babe, di ka na mabiro" sabi nito saka ako hinalikan sa labi na ikina-kiliti ko.
"Gutom na ako Babe" sabi ko sa kanya bago pa kung saan mapunta ang lahat ng ito.
"You can eat me if you want" malandi nitong pagkakasabi sakin.
Kinurot ko nga sya sa dibdib.
"Hinayupak ka, iba ang gutom sa libog okay?" Sabi ko.
"Hehe sorry nagbabakasakali lang naman" ngingiti-ngiti nitong sabi.
"Okay stay ka lang dito at ipagluluto kita ng favorite mo" sabi nya sabay mabilisang halik sa labi ko saka sya nag tungo ng kusina para mag luto.
Kinabukasan. . . .
And back to school again, dalawang buwan nalang ga-graduate narin kami, hays, mukang mamimiss ko ata ang pagiging studyante a, kaya dapat e-treasure ko ang mga natitirang buwan ko sa university kong ito.
"Bes? My ghad, I miss you so much, ang tagal kaya nating di nag kita dahil ang tagal ding hindi nag update ng letcheng author na'yun, it's nice to see you again bes" masayang sabi ni pia sakin at akmang makikipag-biso-biso na sana ito ng bigla ko syang pitikin sa noo.
"Awts, why did you do that?" reklamo nito sakin.
"Langya ka , ikaw pala ang may plano ng lahat ng mga nangyari?" Siwalat ko dito.
BINABASA MO ANG
Uy, Di Ako Bakla!
HumorSi Harold ay isang makulit, palabiro at masayahing binata. kaya naman lahat ng kababaihan at kabaklaan sa kanilang eskwelahan ay nahuhumaling sa kaniyang taglay na ka-gwapuhan at kakisigan. Ngunit isa lamang ang nakanakaw ng kanyang atensyon, ang ka...