LOve of a Disguise CHAPTER 1 ~My NEW Housemate~

49 1 0
                                    

#Chapter 1#  

     Okay, hinga muna ... inhale... exhale....   Kinakabahan ako pero kaya ko 'to. Iche-check ko muna kung ready na ang lahat.

Nerdy glasses  ... check

Bag ... check

Lousy uniform ... check

Braces ... check

and

Contact lens ... check

        Okay, ready na ko. Aja. Fight!!

     "Miss Montez, pwede ka nang pumasok" narinig kong sabi ng adviser namin. Kaya naman sumunod na ako sa kanya.

        "Okay, class pinakikilala ko nga pala ang bago ninyong classmate this year na si Ms. Montez."

       "Hi! I'm Emerald Jhastine Montez, but you can call me 'EJ' for short, 16 yrs old. Nice meeting you all." pakilala ko.

        Tahimik sila nung una pero maya-maya biglang yatang umingay after kong magsalita.

     "Don't mind them Ms. Montez. You can take your seat, may bakanteng upuan dun sa bandang likod, dun ka na lang maupo." sabi ni mam sakin.

      "Thank you po." sabi ko.

     Hay, bahala nga sila. Di ko naman inaasahan na mati- thrill silang makilala ako eh. Ano ba naman ang ine-expect mong makita sa isang nerd looking na tulad ko. Buti na lang sa likod ako nakaupo dahil hindi masyadong pansinin at malapit pa sa bintana. Pag sinuswerte ka nga naman.

      Pag upo ko sa upuan ko, napansin ko ung katabi kong lalaki. Well hindi naman talaga ung lalaki ang napansin ko kundi yung drawing niya. Ang ganda kasi ee at parang buhay na buhay yung mga pictures. Mahilig pa naman akong tumingin sa mga drawings lalo na pag anime.

     Gusto ko pa sana makita yung mga dino-drawing niya pero napansin niya ata ako kasi bigla siyang lumingon sa direksyon ko. Napahiya ako dun kaya agad kong iniba yung tingin ko.

     Tiningnan ko na lang yung teacher namin. Pero walang hiya, nakaka-antok tuloy ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

       At paggising ko...

      Anak ng @$#*-... Wala nang tao sa room.

     "Ambabait talaga ng mga classmate ko, wala man lang gumising sakin. Makauwi na nga lang."

-Sa Unit ko-

     Pagdating ko sa unit ko, nagtanggal na ako ng mga disguise accessories ko, lalo na yung contact lens na yan. Walangjo, nakalimutan kong bawal pala yang itulog, ansakit tuloy ng mata ko.

     Kumain na ako sa nadaanan kong fast food kanina bago ako umuwi kaya naligo na lang ako para makatulog na ulit. Antukin talaga, sorry naman.

     After maligo dumiretso na ako sa kama. Di ko na binuksan ang ilaw dahil matutulog na din naman ako.

     Paghiga ko niyakap ko na agad ang paborito king unan ko at tumigas,  at may BUHOK??!!

     "AAAAAAAAAAAHHHH!!!!!!" sigaw ko sabay paghahampas na kung ano mang creature na yun.

     "AAAAHH! Aray, aray ko po! Ano ba?!" sigaw nung creature na pinaghahampas ko.

     "Hala, nagsalita pa. Magsalita ka, sino ka ba?" tanongko habang hinahanap ko ang switch ng ilaw.

     After kong buksan ang ilaw nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa higaan ko habang hawak-hawak ang parte ng ulo niya na pinaghahampas ko ata kanina.

     "Sino ka?! Bakit nandito ka?! Manyakis ka ba?! Magnanakaw? o Killer??!!" sabi ko.

     "Ang dami namang tanong eh. Ako nga dapat magtanong sayo kung bakit ka nandito sa unit ko. Ikaw, sino ka ba? Ba't bigla- bigla ka na lang nanununtok?" iritadong tanong niya.

     "Ako lang naman ang nakatira dito. Kita mo 'to" pinakita ko sa kanya ang susi ko na nakapatong  sa desk. "May susi ako kaya nagpapatunay lang nun na ako ang may access sa bahay na ito."

     "Eh panu ba yan. Meron din ako niyan."may hinugot siya sa bulsa niya na susi na kaparehas ng sakin. "Ibig sabihin, ako ang nakatira dito."

     "Panu ka nagkaroon niyan?" tanong ko.

     "Ibinigay ng tita ko dahil dito na daw ako titira mula ngayon." sabi naman niya.

      "Sinong tita?"

     "Si Tita Yvette." sagot niya.

     "Si Ate Yvette?" Si ate Yvette ang naging savior ko these couple of days. Malakiang naging utang na loob ko sa kanya, kasi dahil sa kanya may natitirahan ako, which is itong unit na 'to. Binigyan niya aki ng part time job at scholarship sa school na pinapasukan ko ngayon. Pero...

     Wait nga lang,  naguguluhan ako. Matawagan nga si Ate Yvette.

     Calling..........

     Naka isang ring lang sumagot na agad si ate Yvette

     "Ate Yvette, anong ibig sabihin nito?" naguguluhang tanong ko.

     "Bakit anung meron?" sagot niya.

     "Bakit may kasama akong isang lalaki dito sa unit ko na hindi ko kilala pero tita ka daw niya at pinayagan mong dito siya tumira. Diba ate nirentahan ko na 'tong unit na 'to? Ba't may iba kang pinatira dito?"

     "Ang dami namang tanong. Isa-isa lang please?" pakiusap ni ate Yvette.

     "Ate, bakit nga po may ibang tao dito sa unit ko?" hay naku, naloloka na talaga ako dito.

     "Aah, baka ung pamangkin ko yan. Dyan ko muna siya pinatira habang nandyan siya sa Pilipinas."

     "Ee bakit nga siya nandito? Wala naman tayong usapan na ganito aa..." hinaing ko.

     "Anong wala, meron kaya. Nakalimutan mo na ba yung kundisyon ko sa pagpapatira ko sayo dyan?" sabi niya.

LOve of a DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon