LOve of a Disguise CHAPTER 2 ~Toss Coin~

26 1 0
                                    

#Chapter 2#

     "Anong wala, meron kaya. Nakalimutan mo na ba yung kundisyon ko sa pagpapatira ko sayo dyan?" sabi ni ate Yvette.

~Flashback~

     Aaaarghh. Anu na gagawin ko ngayon. Di ko na alam kung saan ako pupunta ngayon. Ang tanga mo naman kasi EJ eh. Di muna nagplano bago umalis.

     Panu makapagpaplano ee biglaan nga alis mo diba? kontra naman ng isip ko.

     Hala, nababaliw na ata ako pati utak ko nagtatalo na rin.

     Dahil sa malalim kong pag-iisip sa problema ko, di ko man lang napansin ang isang aleng nakasalubong ko at nagkabungguan kami.

     At dahil sa pagod, gutom at stress ko. Nawalan na agad ako ng malay.

     Di ko na alam ang nangyari sakin. Basta paggising ko, nagising na lang ako na nasa kama at may tuwalya na sa noo ko.

     "Huh? Nasan ako... Ano bang nangyare...?"

     "Nahimatay ka pagkatapos nating magkabunggo."

     Napabalikwas ako ng bangon dahil dun sa nagsalita. May tao pala, di ko man lang napansin. Isang babaeng nasa mid-thirties na siguro ang edad pero makikita mo sa get-up at mukha niya na masiyahin siyang tao.

     "Sino ka?" tanong ko sa kanya na nakaupo sa upuan malapit sa kama.

     Ngumiti siya sakin. "Tawagin mo na lang akong Ate Yvette. Dinala kita dito sa bahay ko nung nahimatay ka kahapon."

     "Kahapon? Ibig sabihin, isang araw na akong tulog?"

     "Oo, nag-aalala nga ako dahil ang taas ng lagnat mo at akala ko kung napano ka na."

     "Aaaah..." nakakahiya naman pala kay Ate Yvette kung ganun. Naabala ko pa siya kahapon at siya pa ang nag- alaga sakin ngayon dahil sa sakit ko.

     "Gusto ko ngang tawagan ung parents mo pero di ko naman mahanap ang cellphone mo." sabi naman ni ate Yvette.

     "Ahh, yun po ba. Binenta ko na po kasi yung cellphone ko eh. Pang dagdag sa pamasahe paalis samin."

     "Paalis sa inyo? Ibig sabihin naglayas ka sa inyo. Bakit?" tanong naman niya.

     "Nagkaroon po kasi ng problema samin. At mahalaga po na makaalis ako agad dun."

     "Okay, di na ako maguusisa pa. Pero panu ka na ngayon. Anu nang balak mo ngayon?"

     "Yun nga po yung problema ko eh. Di ko alam kung ano at saan na ako pupunta ngayon." malungkot na sabi ko.

     "Sa tingin ko may matutulong ako sayo." sabi ni ate Yvette.

     Bigla akong nabuhayan ng loob sa sinabi niya. "Talaga?! Naku ate Yvette salamat, salamat talaga..." ang galing naman, parang falling angel para sakin si ate Yvette. Thank God.

     "Meron kasi akong condo na walang nakatira sa ngayon kaya pwede ka dun tumira."

     "Salamat talaga ate! Hulog ka ng langit sakin. Pwede bang i-hug ka...?" yayakapin ko na sana siya pero...

     "Hep!" biglang harang ng kamay niya sa katawan ko. "Pero may isang kundisyon ako."

     "Ano yun ate? Kahit ano pa yan okay lang sakin."

LOve of a DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon