Infinity 00

137 2 0
                                    

Saan nga ba napupunta ang mga patay? Nagkakatagpo pa nga ba sila ng taong mahal niya? Maraming tanong na tanging sarili mo lang ang makakasagot.

Pagdilit ng mga mata ko, ako'y nasilaw sa sobrang liwanag.

"Nasaan ako? Sino ka?"

"Nandito ka kung saan may buhay na walang hanggan."

Tama. Buhay na walang hanggan dahil patay na ako. Namatay ako na kapiling siya.

"Maraming namatay sa araw ng pagkamatay niyo. Mahihirapan kang hanapin siya."

"Handa akong hanapin siya kahit gaano man katagal."

Tinulungan niya akong tumayo sa pagkaka-upo at sabay kaming nagtungo sa isang hardin na kinaroroonan ng maraming tao.

Napadpad ako sa grupo ng mga kabataan. Nag-uusap sila ng mapansin ako ng isa sa kanila.

"Magandang araw sayo. Anong ikinamatay mo?"

Nakakabigla ngunit ika'y masasanay din na ako ay patay na.

"May sakit ako. Matagal bago ako magising sa pagkakatulog."

Isa-isa na silang nagsabi ng ikinamatay nila na para bang magkakakilala kami.

"May cancer ako."

"Ako, ni-rape at pinatay."

"Nalunod ako."

Iilan lang yan sa mga dahilan kung bakit sila namatay. Nakakalungkot dahil ang karamihan sa kanila ay nakaranas ng paghihirap sa kamay ng mga pamilya nila.

"Agatha."

Nagulat na lang ako ng bigla niyang banggitin ang pangalan ko. Paano niya ako nakilala? Siya ba ang Diyos na lumikha sa lahat?

"Sumunod ka sakin."

Nakarating kami sa lugar kung saan walang tao.

"Mali ang iniisip mo. Hindi ako ang Diyos."

Kung ganon. Sino siya? Nakakapagtaka naman dahil nababasa niya ang nasa utak ko.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko? Kilala ba kita?"

"Basta. Halika, tignan mo ang pamilya at mga kaibigan mo."

Puro sila umiiyak, nalulungkot, at nasasaktan. Nagflashback lahat ng nangyari sa akin at ipinakita din kung gaano niya ako minahal. Nasaan ka ba? Hinihintay kita at hindi ako magsasawa.

"Saan ko siya pwedeng makita?"

"Sabi ko nga sayo mahihirapan kang hanapin siya. Isa lang ang makatutulong sayo."

"Sino?"

Lumipas ang araw, buwan, taon. Naghanap at naghintay ako na sana magkita kami.

Hindi Mo nga ako binigo.

Naka-upo at nakatanaw ako sa mga taong nagdaraan. Umaasa ako na makikita ko siya.

May nakakuha ng atensyon ko. Isang grupo ng mga kalalakihan na nagtatawanan.

"Ang gulo mo. Patayin kita jan eh."

"Loko. Patay na tayo. Paano mo pa ko mapapatay?"

Tumayo ako at humandang humakbang. Umaasa ako na sana ikaw na yan.

"Epal ka talaga, Cooper."

Ang tagal kong hinintay 'to.

"Cooper!"

Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sayo at niyakap kita.

Walang umiimik. Gulat ka yan ang reaksyon mo. Hindi kita binitawan hanggang sa magsalita ka.

"Agatha."

"Cooper, akala ko hindi na tayo magkikita. Mahal na mahal kita."

"Agatha, alam mo bang pasko ngayon?"

Pasko ngayon? Hindi ko alam. Wala akong ideya.

"Ang bait talaga niya. Tinupad niya ang dasal ko."

Ang bait Mo nga talaga. Sa araw ng pasko muling nagtagpo ang mga taong nagmamahalan. Ikaw lang talaga ang nakakaalam kung kailan at saan.

"Maligayang pasko, Cooper. Mahal na mahal kita."

"Maligayang pasko rin, Agatha. Magkakasama na tayo ng matagal."

Vote, Comment, and be a Fan.

InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon