Infinity 03

42 1 0
                                    

"Kayo, anong pinili niyo?"

Napatingin si Cooper sa akin. Nag-aabang kung anong sasabihin ko. Tinitigan ko siya sa mata.

"Ang kalimutan ang lahat." Makikita mo sa mata niya na nasaktan siya. Hindi ko na maaaring baguhin ang desisyong nagawa ko na. Yun naman ang totoo kaya't mabuti na na nagsabi ako ng totoo.

"Pero bakit? Hindi ba't magkasintahan kayo noong nabubuhay pa kayo? Bakit yun yung pinili mo? Bakit?"

Pwede naman akong hindi sumagot hindi ba?

Habang pinag-iisipan ko kung sasagot pa ba ako o hindi na ay biglang nagsalita si cooper.

"Oo nga, Agatha. Bakit? Bakit yun yung pinili mo?"

"Ah.." Ang hirap naman nito.

"Gusto mo na bang kalimutan lahat? Nagsisisi ka ba na nakilala mo ko?" Cooper.

"Magsalita ka naman. Nagtatanong kami dito. Ako kasi pinili kong alalahanin kayo. Mahal kita eh." Mahal din naman kita, Cooper.

"Ako ba mahal mo?"

"Agatha, Cooper, alis muna ako ha?" Tumayo ng tuluyan yung lalaki at naglakad papalayo sa amin.

"Nagpakatotoo lang naman ako, Cooper. Gusto kong kalimutan lahat kasi ayoko kayong ikulong sa isip ko. Gusto kong makawala kayo. Makalaya ako. Nahihirapan kasi ako. Kaluluwa na lang ako pero kayo pa rin yung iniisip ko. Kayo pa rin."

"Agatha, nagsisi ka ba?"

Bumalik lahat lahat ng alaala naming dalawa. Lahat lahat. Yung paglaban namin para sa mga buhay namin.

"Agatha, minahal mo naman ako diba? Sira ulo ako pero tang na juice seryoso ako." Namiss ko yung mga kalokohan niya. Sobra ko siyang namiss. Ang sarap balikan. Ang sarap mabuhay.

"Never akong nagsisi, Cooper. Hanggang ngayon naman mahal kita. Kung hindi ko man maalala, mararamdaman ko yon." Tumayo ako at ngumiti sa kanya. Iniladlad ko ang kamay ko para tulungan siyang tumayo pero hindi siya gumalaw.

Tumingala siya at tinignan ako sa mata. Sa mga matang yon minsan kong nakita at naramdaman na normal ako, na normal kami.

"Agatha, ayokong makawala sayo."

Patawarin mo ko.

"Nahihirapan ka? Sasamahan naman kita. Hindi ka na mag-iisa. Sabay naman tayong lalaban. Sabay tayong makukulong sa ngalan ng pag-ibig. Hinding-hindi kita sasaktan."

Vote, Comment, and be a Fan.

InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon