Infinity 02

71 2 0
                                    

Naguguluhan ako. Sa pagkakatanda ko pinili ko ang pangalawa. Pero bakit naaalala ko ang lahat? Si Mommy, si Daddy, at yung mga kaibigan ko.

Pati si Cooper hindi ko nakalimutan.

"Dahil may mga bagay na hindi natin kayang ipaliwanag. Tanging ang Panginoon lamang ang makapagsasabi."

Lumingon-lingon ako sa paligid ko upang malaman kung may nagsalita ba. Ngunit nabigo ako dahil wala. Walang nagsalita malapit sa akin. Kung ganon, sino ang nagsalita? At ang kanyang sinabi ay sumasagot sa aking katanungan.

Maaaring tama siya. Tanging ang Panginoon lamang ang makapagpapaliwanag ng lahat ng kababalaghan na nangyayari sa isang tao.

"Agatha, sobrang lalim naman ng iniisip mo." Paglingon ko nakita ko si Cooper na papalapit sa akin. Mayroon siyang kasamang lalaki. Sa tingin ko ay kaedad lamang siya ni Cooper.

"Paano mo nasabing malalim? Nasisid mo na ba?" Pamimilosopo ko sakanya. Totoo naman diba. Parang sa taong busog lang yan. Paano mo masasabing nagugutom siya kung busog naman talaga siya?

"Epal ka talaga. Nandito ka na sa langit ang taray mo pa rin. Kelan ka magbabago?" Hindi ako magbabago. Pangako yan. Maaaring patay na tayo ngunit kailan man hinding hindi na ako magbabago.

Nang makalapit na siya sa akin ay tinabihan niya ako sa pagkakaupo sa damuhan. Pati yung lalaking kasama niya kanina umupo rin sa harapan namin.

"Hindi ako magbabago. Kahit na ganyan ugali mo. Hinding-hindi ako magbabago. Paano pa ako magiging si Agatha kung magbabago ako?" Ayokong magbago. Wala akong pake kung kailangan kong magbago. Pangako ko sa sarili ko hinding-hindi ako magbabago.

"Ayie. Mahal na mahal mo naman ako." Pagkatapos niyang magsalita bigla na lang niya akong niyakap. Hindi ininda na may taong kasama siya na nasa harapan namin.

"Bitaw nga. Hindi ka manlang mahiya sa kasama mo." Sabi ko sabay tingin dun sa lalaking kasama niyang pumunta dito.

Muka naman siyang matino. Siya yung tipong titignan mo lang alam mong matino at may pangarap sa buhay. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Namatay siya at napunta sa lugar kung saan ang mga kaluluwa ng patay ay namamalagi. Ganon naman talaga ang buhay. Kung sino yung matitino at mayroong gustong marating siya yung kinukuha agad. Ang sabi ng karamihan tapos na raw ang misyon nila sa mundo kaya sila ay lumisan na.

Natapos ko ba yung misyon na para sa akin? Natapos ba namin kaya maaga kaming kinuha? O sadyang yon yung panahon para bawiin ang buhay na hiram lamang?

"Hindi. Okay lang." Sa paraan ng pagsasalita niya parang ang bait bait niya.

"Wag ka nga matakot kay Cooper. Lagot sakin yan mamaya." Panghihingkayat ko na sabihin na niya ang nais niyang sabihin.

"Tsk. Agatha, bago kong kaibigan. Nakilala ko lang siya rito sa gilid gilid. Wala siyang kasama at mukang malungkot kaya isinama ko na siya dito. Wala siyang natatandaan kahit na ano maliban sa dahilan ng pagkamatay niya." Pagpapakilala ni Cooper sa kasama niyang lalaki. Walang siyang naaalala. Pinili niya ang pangalawa.

"Pinili mo ang pangalawa?" Katanungan na siya lamang ang makasasagot. Maraming paraan upang maalala niya ang kanyang naging buhay.

"Oo dahil iyon ang makabubuti. Siguro hindi naging maganda ang nangyari sa buhay ko kaya napili kong kalimutan na lang ang lahat. Siguro nakasakit ako ng taong mahalaga sakin." Pagkatapos niyang magsalita ngumiti siya sa amin ng may halong lungkot.

Nakakalungkot dahil kahit nakalimutan niya ang naging buhay niya ay nararamdaman pa rin niya ang mga bagay na maaaring naging dahilan kung bakit pinili niya na kalimutan ang lahat.

"Kayo, anong pinili niyo?"

Vote, Comment, and be a Fan.

InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon