Infinity 01

67 1 0
                                    

"Bakit sila, alam nila ang pangalan nila?"

"Oo nga. Silang dalawa mayroong pangalan."

"Si Agatha at Cooper."

Pati rin pala sa langit may mga chismosa. Ako nga din nagtataka kung bakit karamihan dito ay walang pangalan pero alam nila ang ikinamatay nila. Tapos kaming dalawa ni Cooper may pangalan na natatandaan. Paano nangyati yun?

"Agatha."

"Cooper."

"Agatha."

"Cooper."

"Aga---."

"Bakit ba?"

Sa bandang huli ako rin pala ang susuko. Unang una naka-inis kasi iisa lang tono at itsura ng muka ni Cooper. Pangalawa, paulit-ulit na lang. Panghuli, napa-isip ako kung ano ba yung sasabihin niya.

"Wala lang."

Bwi--- Nakakaasar. Hindi sa bawal magsalita ng hindi maganda mas nadadagdagan lang ang kasalanan mo kung magsasalita ka ng hindi maganda. Wala talagang magawa sa buhay si Cooper at pati ako ay dinadamay niya.

"Ok."

Katahimikan para sa aming dalawa. Ganyan naman kami paratin tahimik. Ewan pero baka panis na ang laway namin dito.

"Hindi mo ba napapansin na tayong dalawa alam natin ang pangalan natin pero sila hindi?"

"Pansin ko rin eh."

Napansin niya rin pala. Bakit nga kaya?




Asan ako?

Bakit may lalaki dito? Ano multo ba siya?

Atsaka bakit ang daming tasa dito? Ano kapehan ba 'to?

"Sino ka?"

"Tawagin mo akong Grim Reaper."

Grim Reaper? Yung sa Goblin at sa Black? Wow totoo pala yun.

"Asan si Goblin?"

"Anong goblin ang pinagsasasabi mo jan. Grim Reaper ang tawag sa amin."

Grim Reaper? Ano yun?

"Kami ang kumukuha ng kaluluwa ng patay. Sa madaming salita tagasundo."

"Tagasundo?"

"Oo."

"At dahil nandito ako ibigsabihin nun patay na ako? At sinusundo mo na ako?"

"Oo."

"Ikaw din ba ang sumundo kay Cooper?"

"Hindi. Iba ang may hawak ng card."

"Ok. Eh anong gagawin ko dito?"

"May dalawa kang pamimilian pero mas makabubuti ang pangalawa."

"Ano yun?"

"Una, kung hindi mo iinimin ang nasa loob ng tasa, hindi mo rin makakalimutan ang nangyari sa buhay mong ito. Pangalawa, iinumin mo at makakalimutan mo ang lahat ng nangyari sa buhay mong ito maliban sa iyong ikinamatay."

"Pipiliin ko ang pangalawa."

"Sigurado ka na ba talaga?"

"Oo."

"Sige. Pu-pwede ka ng pumasok sa loob ng pinto na iyon."

Pagbukas ko ng pintuan mayrong hagdan ang naghihintay sa akin patungo sa itaas.

Vote, Comment, and be a Fan.

InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon