Chapter 1

696 6 0
                                    

"Ano Sam? Ihahatid pa ba kita hanggang sa room ninyo?"

"Wag na po papa. Dito nalang po sa may gate. Baka malate pa kayo sa meeting ninyo." 

"Okay lang ba sa iyo?"

"Yes papa. Saka nandoon na naman siguro si Red. Byebye na."   ( ^_____^ ) v

Yun lang at bumaba na si Chloe Samara Miranda mula sa kotse ng kanyang amang si Mr. Miguel Miranda, chairman ng isang malaking kompanya sa Makati.

Sa totoo lang ay hindi naman talaga siya okay. Masama ang pakiramdam niya mula nang siya ay magising pero hindi niya iyon ipinahahalata sa kanyang ama. Masyado na itong abala upang dagdagan pa niya. At isa pa, si Red na sinasabi niyang naghihintay sa kanya sa kanilang room ay hindi naman nag-eexist.

Pumasok na siya sa loob ng school building nila at tuluy-tuloy na pumasok sa loob ng room, umupo sa pinakasulok at tumungo. Ang hindi niya alam ay ang lahat ng iyon ay tahimik na pinagmamasdan lamang ng isang pares ng mga mata.

Actually, nag-eexist si Red pero hindi ang friendship na alam ng papa niya.

Si Redley Chase Salvatore ay nakatira sa bahay na katabi ng kanila. Magkaibigan ang papa niya at ang mama nito kaya naman napilitan silang magkakilala at magkasama palagi. Inakala ng kanilang mga magulang na nagkakalapit na sila kaya naman kinailangan nilang ipakita sa mga ito ang "friendship" nila.

"Anung problema ni Sam?" mahinang sabi ni Jin, kaklase nila.

"Oo nga. Parang matamlay. Wala kasing kaibigan kaya ganyan." sabat ni Kyle.

"Tsk. Hayaan ninyo nga yung tao. Pati ba naman babae pinupuna ninyo." iritableng sabi ni Redley.

Kanina pa niya napapansin na matamlay ito.Tabi ng bintana ang upuan niya kaya nakita na agad niya ito pagbaba palang ng kotse. Nakasanayan na kasi niyang abangan itong pumasok nang hindi nito alam.

"Grabe naman Red. Kaaga highblood ka." ani ni Kyle.

"Tsk."  yun lang at umupo na si Redley sa upuan niya.

( >_>)    ( <_<)

  Jin         Kyle

"Problema nun?" sabi ni Jin saka pumunta na din sa upuan nila ang dalawa.

Pag upo ni Redley ay tumungo din siya. Nasa unahan ang kanyang upuan kaya magiging kapansin pansin naman kapag lilingon pa siya sa likod. Mula nang naging ganito ang seating arrangement nila at ito na ang naging paboritong gesture niya. Mas madali kasi niyang nasisilip si Sam sa ganoong posisyon.

"Geez ... ang sakit ng ulo ko." (>__<) mahinang bulong ni Sam sa sarili. Wala naman siyang ibang mapagsabihan dahil hindi siya palakaibigan. Alam lang niya ang pangalan ng lahat ng kaklase niya pero wala pa siyang nakakausap na kahit na sino sa mga ito.

Itinaas niya sandali ang mukha upang makita kung anong oras na. Medyo napaaga pala siya ng pagpasok. 15 minutes pa bago mag simula ang klase. Makakaidlip pa siya. Sobrang bigat talaga ng pakiramdam niya. Nag-iinit na ang mga mata niya.

 "Geez . . . .  pasaway na lagnat."  ( -.-')  yun lang at natulog na siya.

Natigilan si Redley nang biglang nag-angat ng mukha si Sam. Sobrang putla nito. Ngayon sigurado na siya, may sakit nga ito. 

 "Tsk. Bakit kasi pumasok pa."

Tinext niya kaagad ang mama niya at tinanong kung nakaalis na ito papunta sa bangko na kasalukuyang isinusupervise nito. Nang sumagot na ito na hindi ay agad niyang sinabing magpapasundo siya at si Sam. 

Pagkatapos ay bigla na siyang tumayo at tumakbo palabas  papunta sa faculty room.

"Anu ba talagang nangyayari dun Kyle? tanong ni Jin.

Crossing the Line &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon