Chapter 3

134 3 0
                                    

"Tapos na. Sweet talaga ng fairytales." (^_____^ )

Nakatatlong movies na sila pero di pa din nakakauwi ang papa ni Chloe. Kaya naman gabi na ay hindi pa rin nakakauwi ng bahay si Chase. Hindi niya naman pwedeng iwan mag-isa si Chloe.

"Tsk. Sabi mo kanina after nung Barbie yung gusto ko namang movie. E pagkatapos nun Beauty and the Beast  naman tapos kanina Tangled. Napanuod na natin yun lahat ee." nang-aasar na sabi ni Chase.

"E magaganda kasi kaya masarap panuorin ulit."  ( * .*)

"Puro ka naman fairytales. Highschool na tayo sa pasukan ganyan pa rin pinapanuod mo."

"Ok lang yun." ( ^___^)

"Hindi ok yun. Puro ka nalang nuod ng movie dito sa bahay ninyo. Hindi ka ba nalulungkot??"

"Hindi. Pumupunta ka naman dito e."

"Dapat kasi naglalalabas ka din paminsan-minsan. Madami naman din tayong kaedad na mga girls dito sa subdivision natin ee. Makipagkaibigan ka din sa kanila."

"Ayoko." ( >_<)

"Chloe ..... "

"Ayoko nga ....." (>______<)

Naiiyak na si Chloe.

"Sabi mo ok lang na maging magkaibigan tayooooo......" ( >.<)

'Eto na naman to si Chase... Sabi na ngang ayoko ee. Lagi niya nalang akong pinagsasabihan.'

Simula nang mamatay ang mama ni Chloe, naging tahimik at introvert na ito. Ayaw na niyang nakikisalamuha sa tao at ang tanging kinakausap nalang nito ay ang kanyang papa. Kaya naman laking tuwa ng papa niya nang maging kaibigan niya si Chase. Nagiging maingay lang siya kapag kasama ito.

"Chloe naman ... Paano nalang kapag wala ako?? Sino makakasama mo??" tanong pa ni Chase.

"Bakit??? Aalis ka ba??????" natatarantang tanong ni Chloe.

"Hindi naman ... pero pag ---"

"Hindi naman pala e. Saka kaibigan ko di naman sina Jin at Kyle a."

"Kaibigan? Hindi mo nga sila nakakasama ng madalas e. Paano mo sila naging kaibigan???"

( TT^TT)

Paiyak na talaga siya. Napansin naman agad ito ni Chase.

"OO na. Sige na nga. Hindi na. Bati na tayo." ( >_<)

"Ikaw kasi ... Lagi ka nalang  ..." sabi ni Chloe habang nagpupunas ng luha.

"Di na . Promise."

"Sabi mo yan ha." sabi nito sabay ngiti na.

"Oo na. Promise."  ( -.-")

( ^____________^ ) "Yey!"

Wala nang nagawa si Chase.

"Halika na nga. Gabi na wala pa si Tito Migs. Pagluluto nalang kita ng hapunan sa bahay."

"Bakit sa bahay niyo pa?? May pagkain naman ata sa ref."

"Nakakahiya kay Tito Migs ee."

"Nakakahiya din kay Tita." ( >_<)

"Di yun."

"Chase ........ dito nalang ..... PLEASE !!!! "

"Oo na. Oo na nga. Sabi mo e." 

'Wala naman akong nagagawa kapag ikaw na nagsabi e. Weak ko talaga.' ( >_<)

Bumaba na sila at tumuloy na sa kusina. Dahil sa nag-iisa lagi, natuto si Chase ng mga gawaing bahay. Hindi kasi niya gustong kumuha pa ng kasambahay ang mama niya. Pakuha palang siya ng kawali nang biglang bumusina ang kotse ng papa ni Chloe.

Crossing the Line &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon