Chapter 2

173 3 0
                                    

Author's Note muna!  ^__________^

Tagal kong di nadagdagan to. haha. Pero ang dami paring nagbasa! salamat sa inyo!

Hirap magsulat lalo na pag madaming ginagawa sa school. >>___<<

pero ayos lang. sige parin. haha.

tinapos ko lang muna yung part one nung pinakaplot nito. kaya ganun.

anyways paVOTE and COMMENT naman kung nagustuhan ninyo yung chapter.

kahit dalawa palang sila. :D

SALAMAT ng madami!!  ^_______^ 

* * * * * * * 

 “Shoot!”

Sakto ang tama ng bola sa ring. Kasalukuyang naglalaro ng basketball si Jin at Red sa isang basketball court na nasa loob lang din ng subdivision nila. Sinundo kasi siya ng mga ito sa kanilang bahay at niyayang maglaro.  One-on-one ang labanan nila dahil ayaw naman ni Kyle sumali at mas pinili nalang umupo sa bench at basahin ang librong hiniram niya sa library nung isang araw.

“Akala ko hindi papasok ee.” Natatawang sabi ni Jin. Napalakas kasi yung sigaw niya kaya nagtinginan sa kanila yung ibang taong dumadaan.

“Tsk. Sana nga hindi nalang pumasok e. E di sana panalo na ko. Lakas mo lang magdasal ee. Haha. Pahinga muna tayo.” Sabi nalang ni Red.

“Hahaha di na ko magpapatalo ulit sayo.” sabi ni Jin.

“Tingnan nalang natin.” Nakakalokong ngiti ang binigay ni Red kay Jin. Palagi kasi itong natatalo sa laban nilang dalawa. Pero hindi parin ito sumusuko.

Nagtatawanang lumapit ang dalawa kay Kyle pero hindi parin sila pinansin nito. Tuluy-tuloy lang ang pagbabasa.

“Oi!!!!!!!!!! Tigilan mo na yan Kyle! Baka maaccelerate ka kaagad pagpasok natin ng highschool. Sige ka mas mauuna kang grumaduate sa amin ni Red.” Panggugulo ni Jin kay Kyle sabay kuha ng librong binabasa nito. At tinitigan na para bang kakaibang nilalang ito.

“Hindi naman academic yan e. Kaya hindi din ako maa-accelerate.” Sagot nito sabay kuha ulit ng libro at saka natatawang isinilid na ito sa kanyang dalang bag. “Tapos na kayong maglaro? San na tayo?” tanong nito kay Red.

“Ewan. San ba pwede tumambay? Maaga pa naman e.” sagot ni Red habang abala sa pagpupunas ng pawis.

“Sa amin nalang mga tol. Walang tao dun ngayon. Kahit pasabugin natin yun walang magagalit.” Sagot ni Jin na nakangiti na naman. Kahit kalian talaga napaka maloko nito.

“E di dun na nga lang. May bisita samin kaya ako umalis muna. Ok lang ba Red?”  ani ni Kyle.

“Oo. Ok lang.” sabi ni Red nang biglang may naalala siya.

“Hala! Anong oras na!?!” tanong niya.

“2:10pm. Bakit?” sagot naman agad ni Jin na nagulat sa reaksyon ni Red. Bigla nalang itong sumisigaw.

“May usapan kasi kami ni ---“ hindi na niya natapos dahil may tumawag sa kanya.

“CHASE !!!!!!!!!!!!!!!!”

Sinigawan na ni Samara si Red kahit malayu-layo pa siya dito. Naiinis kasi siya kanina pa. Usapan na nila na pupunta na ito sa kanila ng 1:30 pero 30 minutes na siyang naghihintay sa kanilang sala ay wala parin ito. Kaya hinanap na niya.

Dali-dali itong tumayo nang makalapit siya.

“Hi Sam!!!” bati sa kanya ni Jin. Si Kyle naman nginitian lang siya.

Crossing the Line &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon