Chapter 7

117 3 0
                                    

Pagpasok ni Red sa room nila nakita niya agad si Sam kasama sina Sophie.

Nakangiti ito at nakikinig sa kung ano mang kinukwento ni Amiah sa kanila. Napaatras tuloy siya ulit palabas at nabangga sina Jin at Kyle na nasa likod niya.

[[CHASE POV]]

"HALA!!!!! hala! hala!" napaatras ako bigla. Natapakan ko pa tuloy ang paa ni JIn.

"Aray naman Red!!" sigaw niya sakin. Grabe. Totoo ba yung nakita ko??? Si Sam este si Chloe pala, nakikipagkwentuhan kina Sophie??  Hinawakan ko sa braso nila yung dalawa saka ko kinaladkad palayo sa room namin bago pa sila makapasok.

"Oi! anu bang nagyayari sayo??" tanong sakin ni Kyle pagkabitiw ko sa kanila. Nagtataka yung tingin niya sakin.

"Bakit may kakaiba ba sa room natin?? tanong din ni Jin.

"Hindi nyo ba nakita????" 

"Nakita ang alin??" sabay pa talaga silang nagsalita. Nagkatinginan sila sabay tingin ulit sakin. Siguro kambal tong dalawang ito nung past life nila. "Ano nakita mo??" sabay ulit nilang tanong. Kambal nga sila noon. Confirmed.

Napangiti ako bigla. "Hindi ninyo ba nakita?? Di nyo nakita?? Hahaha! Di ninyo nakita??" Papalaki ng papalaki yung ngiti ko sa kanila. "Di ninyo nakita?? Talaga?? Di ninyo nakita?? Hala! Bakit di ninyo nakita?? Hahahaha!! Di ninyo ba tiningnan at di talaga nakita? Di ninyo n--" Di ko na naituloy yung sasabihin ko kasi binatukan na ko ni Kyle. Sa lakas ng batok niya muntik na kong masubsob.

"Aray! ano ba?" tawa ng tawa si Jin habang nakatingin samin. Bakit nakabatok naman tong si Kyle?? Napasimangot tuloy ako.

"Paulit-uli ka lang ee." sabi sakin ni Kyle na para bang narinig yung iniisip ko. Tawa parin ng tawa si Jin sa akin. Parang baliw 'to. Siya kaya mabatukan.

"Di naman aa." sabi ko sabay kamot sa ulo.

"Yes you are." sabi ni Jin na nakamove-on na din sa wakas sa pagtawa lumapit siya sakin saka ako inakbayan. "Tatanong mo samin kung nakita namin e ni hindi pa nga nakakatapak yung paa namin sa room hinila mo na kami palayo. Ano ba yun?"

Pinilit kong magmukhang seryoso.

"Isang araw palang pero mukhang gumana na kaagad ang plano ko." sabi ko sa kanila pero di ko napigilang mapangiti. Ang saya ko kasi talaga. "Nakita ko pagpasok ko kanina na nakikipagkwentuhan na siya kina Sophie!"

"Wee? Si Sam? Si Sam makikipagkwentuhan sa iba? Ikaw lang kaya kilala nun. Haha!" natutuwang sabi ni Jin.

"Oo nga. Sigurado ka bang hindi mali yung nakita mo? Imposible namang biglang magkaroon agad siya ng kaibigan. It will take time." sabi ni Kyle. Tsk. Panira ng trip 'tong dalawang ito.

"No way. I'm positive. Nakita ko nga syang nakangiti." syempre pagpipilitan ko yung sinasabi ko. Totoo naman kasi ee. Nakita ko siyang nakikipagkwentuhan kina Sophie!!

"Wee? Baka nabigla ka lang." nakangiti pa talaga si Kyle habang sinasabi to. Tsk. Nakakaasar naman 'tong dalawang ito ee. Parang hindi mga kaibigan. Walang kasupo-suporta.  (- -_ )

"E di tingnan ninyo pa. Totoo naman yung sinasabi ko ee." sabi ko sa kanila sabay talikod. Iniwan   ko na sila at naglakad na ulit pabalik ng room. Tumatawa na naman si Jin. Sumunod na silang dalawa sakin. "Pustahan pa tayo." Ang kulit naman kasi ee. Sinabing nakita ko nga.

"SUURREE!!" sabi ni Jin nang maabutan nila ako. Humarang siya sa dadaanan ko. "Pagnakikipag-usap na siya sa iba, treat ka namin ng lunch ni Kyle bukas. Pag hindi ikaw ang mangti-treat." Nakakaloko yung ngiti niya. Bakit ba kasi hindi sila naniniwala??

Crossing the Line <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon