F I V E

7.9K 187 2
                                    

Continuous

[Flashback]

Ilang buwan na simula ng makilala ko si Qylia, dati palang crush ko siya kaya nong mga na yun ay nadatnan ko siyang busy sa kakahalungkad ng mga gamit niya sa bag kaya nag isip ako ng paraan para mapansin niya kaya sinadya ko siyang banggain dahil yun lang ang alam kong paraan. Nagtagumpay naman ako saking plano na banggain siya para mapansin niya ako. Ng makita kong nakatingala siya sakin at pina niningkitan ako ng mata syempre nahiya ako, pero nakita ko siyang may kinakapa sa sahig. Siguro yung makapal na salamin na suot-suot niya kaya siya tinatawag na nerd. Kinuha ko ito sa sahig at lumuhod para magkapantay kami. Sinuot ko ito sa kanya dahilan ng pagkatigil niya at napatingin sakin. Ng mga panahong tumama ang kanyang mata saking mata ay biglang bumilis ang tibok ng aking puso, parang di ako makahinga sa mga titig niya at ramdam ko ang pang-iinit ng aking mga pisngi kaya itinuon ko sa pagaayos ng kanyang libro at mga gamit niya na nakakalat sa sahig ang aking atensyon. Grabe pala noh? pag nanjan na siya parang di ako makagalaw. Ng matapos ay tumayo ako at inilahad ang aking mga kamay sakanya at inalalayan siyang tumayo. Parang may mga milya-milyang bultahe ng koryente ang dumaloy saking buong sistema ng mahawaka niya ang aking mga kamay. Sinabihan ko siyang mag-ingat sa susunod ng hindi siya nakakabangga ng tao kahit plano ko naman talagang banggain siya bago ko siya iwan.

My EX is My BODYGUARD(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon