E I G H T E E N

4.8K 97 0
                                    

MY SAVIOR

Brox's POV

Napatingin ako ng biglang tumayo si Qylia.

"Saan ka papunta?" Tanong ng fiancee niya. Tch!

"Mag ko-comfort room lang babe." Ani Qylia sa malambing na boses.

"Babe samahan na kita papunta dun, baka may nagkalat na mga badboys diyan at kulitin ka." Ani ng fiancee niya OA naman at over protective.

"Ang sweet mo naman babe." Paglalambing niya at pinisil pa ang pisngi nung lalaki.

"Ano ba yan, ang dami namang langgam dito? Mukhang may mas matamis pa kesa sa asukal dito ah?" Pagpaparinig ko kaya napaptingin si Lolo sa akin. Bitter na kung bitter 

"Saan apo?" Nagaalalang saad ni lolo at hinahanap pa ang imaginary langgam ko.

"Panira." Bulong ko. 

Umalis naman si Qylia pa puntang comfort room. So it's my opportunity para kausapin siya. Tumayo ako mula saking pagkakaupo para sana sundan siya ng mapansin ako ni Lolo.

"Oh apo, saan ka pupunta?"tanong ni Lolo. Tinungo ko naman siya at nginitian.

"Kukuha lang po ng pagkain." Pag sisinungaling ko bago iniwan si Lolo para puntahan si Qylia. 

Nang makapunta ay nag antay lang ako sa labas ng comfort room ng may isang lalaki na parang may dala-dalang-

"Qylia?" Pinaningkitan ko ng tingin ang lalaki na ngayon ay papunta na ng parking lot at Oo nga! Dala-dala niya si Qylia na walang malay.

"Qylia!" Tawag ko pero narinig ako nung lalaki at tumakbo ito papalayo kaya tumakbo din ako. 

Mabilis naming napatungo sa parking lot.

"Hoy! Saan mo dadalhin si Qylia!" Sigaw ko habang hinahabol siya. Tumakbo lang ako ng tumakbo pero sadyang mabilis ang lalaki na 'to ng siguro mamataan ang kanyang sasakyan ay mabilis na ipinasok si Qylia sa loob ng puting van na paparating.

"Hoy! Saan niyo dadalhin si Qylia!" Naabutan ko yung van kaya pinag dadabug ko ang salamin nito.

"Hoy! Ibaba niyo si Qylia! " sigaw ko kaya mas pinabilis nila ang sasakyan. 

Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para habulin yung sasakyan pero nakaalis na'to.

"Qylia!" Sigaw ko. 

Agad akong nag-isip ng mabuting paraan. May nakita akong isang lalaki na naka XR motor kaya tumakbo ako papunta doon.

"Pre pahiram." Saad ko at pinababa siya ng motor ng sapilitan.

"Ano?!-hoy! Motor ko yan!" Sigaw niya ng mapaharurot ko ang motor palayo. Hinabol ko ang van kanina kahit malayo man ang agwat namin ay hinabol ko parin ito at hindi umalis saking tingin. Kailangan kong mabawi si Qylia mula sa kanila. Puta naman kasi 'tong Fiancée niya! Akala ko ba Over Protective siya? Putangina niya ipakain ko sa kanya yung pag ka Over Protective niya! 

Kinuha ko ang aking Bluetooth saking bulsa habang to the maxx ang pagpapatakbo ko.

Tinawagan ko si Lance ay vice president ng frat group na pinamumunuan ko. Matapos ang ilang ring ay sumagot naman ito.

"Hello bos-" 

"Lance! Kailangan ko ng back up! Hinahabol ko ang dumukot kay Qylia at nandito ako ngayon rito sa **** bilisan nyo at mukhang papunta sila sa lumang apartment sa may **** dahil mukhang doon kami dadalhin ng daan." Sabi ko kay Lance.

"Opo boss malapit lang kami jan at baka nandoon na kami bago kayo makarating." Aniya mula sa kabilang linya.

"Good! Bilisan nyo!" Aniko at biniba na niya ang tawag.

Mas tinuon ko ngayon ang aking atensyon sa paghahabol ng outing van kung saan naroon si Qylia. Humanda sila sakin mga hayop sila.

-------------

Neext 😂

My EX is My BODYGUARD(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon