Treyson's POV
Pagkatapos kong ihatid si Kylee sa prince charming niya pumunta muna ako sa Kiss Me Bar para tumambay at sinong may alam baka dito ko rin makita ang The One ko? oh diba kahit na playboy umaasa parin na makita si The One
"Oh f**kboy dito ka din?" Nabasag naman ang moment ko nang may kumausap sakin
"Ay hindi hindi ako dito." sarkastiko kong sagot
"Baliw." saad nung babaitang kaibigan ni Kylee sino nga uli toh?...Ja...jaja? hindi eh...basta amazona ang tawag ko sa kanya,bagay naman sa kanya eh
"Hoy Amazona bat nandito ka gabi na ah." sambit ko
"Wala ka na dun." sagot niya habang pinaglalaruan yung straw ng martini niya "Eh Ikaw bat ka nandito?" tanong niya
"Nagbabakasakaling mahanap si The One." deretsiyahan kong sagot
Natawa naman siya sa sinabi ko "Ay wow kahit pala Si F**kboy hinahanap din si The One niya." pang aasar nang amazona
"Baliw syempre naman noh." umorder ako ng isang vodka,isa lang kasi baka matalakan ako ni Kylee mamaya pag umuwi ako ng lasing
"Hindi kapani paniwala F**kboy ah." saad niya
Aba..wow ah parang nahurt naman ako dun "Haish edi wag ka maniwala ano bang pake ko." sabat ko at nung dumating na yung order ko lumagok na ako ng konti
"Sus baliw ka ba? Bakit sa Club mo hinahanap ang The One mo?" Tanong niya
"Eh malay ko ba..basta." saad ko habang nililibot ko ang tingin ko sa paligid..may point nga naman siya sino ba naman ang makakanap ng The One sa isang club noh
"Imposible yang iniisip mo na makakahanap ka dito baliw." saad niya
Napatingin naman ako sa kanya at ngayon ko lang na realize na maganda naman pala siya,Jowk syempre dati ko pa na realize yun noh,Yung suot niya hindi skin revealing pero maganda pa din,di tulad ng ibang babae dito na halos kita na ang kaluluwa sa ikli nang suot
"Oh bat titig na titig ka diyan? gusto mo ba dukutin ko yang mga mata mo?" Pambabanta niya sakin
Napa ngisi naman ako at biglaan kong nilapit ang mukha ko sa kanya yung tipong pag may tumulak samin magkakadikit na yung labi namin
"Ang ganda mo pala." bulong ko sa kanya syempre alam ko naman hindi gagana yung mga da moves ko sa kanya pero its worth trying naman nga sabi nila
Napapikit lang siya at yung amazona mode niya na activate yata,piningot niya yung tenga ko amp! at hindi lang yun ah tinapakan niya pa yung paa ko! eh nakasuot pa naman ng heels tong amazona na toh!
"Aray!!! aray aray!!" pangingiwi ko
"May sinasabi ka ba sakin kanina?" tanong niya
"wala wala!!" sigaw ko,mamamatay pala ko pag sinubukan ko yung mga yun sa kanya!
Binitawan niya na yung tenga ko at inalis niya na yung pagkaka apak sa paa ko,haish saan ba gawa yung heels niya sa metal? ouuuuchhh
"Akala ko may sinabi ka eh." naka ngisi niyang saad sakin
"Amazona talaga toh." bulong ko sabay lagok dun sa vodka ko
"Haysh anyways nahatid mo na ba si Bes dun sa date nila?" tanong ni Amazona
"Ha oh oo sana nga maganda ang resulta." sambit ko
"Naku lagot talaga sakin yung lalaki na yun pag sinaktan niya si Kylee." pagbabanta niya
"Sigurado naman na seryoso siya kay KayKay eh." sambit ko habang pinanonood ang mga taong nagsasayawan
"sus lagi naman pero sa una lang." sabi niya habang sumisipsip ng martini
YOU ARE READING
Ms. Believer Meets Mr. Playboy
RomanceThis is the story about Kylee Mendoza A.K.A Ms. believer Kylee is the type of person who always believes..and sometimes she ends up being hurt.. Madaming tao ang pinaniwala sya sa mga bagay n di naman totoo,Kaya napagisip isip niya na titigilan na a...