Girly Gangster

126 1 2
                                    

Girly Gangster (Prologue)

Siya si Monami De Guzman.

“Hi Nami!”

“Monami!”

Kilala bilang sweet na dalaga.

Mabait.

Tahimik.

Mahinhin.

Masipag.

Masunurin.

Mapag-

“Hoy Nami! Tigil-tigilan mo ‘yang pagpuri sa sarili mo ha?! Lumayas ka dyan sa harap ng Computer! Layas!” Sabi ng EXTRA LANG sa istoryang ito.

Siya naman si X Santos.

Isang kulangot na tinubuan ng mukha at paa.

Siya ang nawawalang anak ni Kingkong.

Siya ang bumabangunot sa mga tao-

“NAMI! SABI NG UMALIS KA DYAN SA COMPUTER EH! LUMAYAS KA DYAN!”

“Oo na! Aalis na!”

“Ehem! Ehem!”

Meet X Santos.

Isa sa pinakapoging nilalang sa buong mundo.

Tinitilian ng lahat ng babae.

Makapaglaglag-panty ang ngiti.

Kindat pa lang, ulam na-

“Ano ‘yun? Ano ‘yun? X?!”

“A-Aray Nami! ‘Wag ‘yung tenga ko! A-Aray!”

“Pinalayas mo ko, para lang puriin ‘yang sarili mo?!”

“A-Aray naman! T-Totoo naman ‘yung- OUCH! Oo na! Aalis na!”

“Good cat!”

Monami De Guzman.

Isang maganda pero mabagsik na dalaga.

Maingay, makulit, burara, lampa, matigas ang ulo-

“ABA! ABA! HINDI KA PA RIN UMAALIS X HA?!”

Pero kahit ganyan siya.

Siya pa rin, ang pinaka-mamahal ko.

Kahit na isa pa siyang…

‘Girly Gangster’

*Blush*

“Hindi na kailangan banggitin ‘yung title. -_____-“

A/n: Wala po akong alam sa paggawa ng Prolouge. Sorrrrrrrrry! HahahahaXD Kita-kita na lang sa Chapter 1. Bye!

Girly GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon