Chap 4

39 1 2
                                    

CHAP 4: Smile! ~ <3

Mimicko’s POV!

“499…” Tinatamad kong banggit sa hangin. Malapit na talaga pumikit ‘yung dalawang nag g-gwapuhang mata ko, pero hindi ko magawa eh! Kung bakit? Eh kasi, etong apat na kumag na nasa harapan ko, kanina pa—

“HWAAAAH! Huhuhu! Nasa langit si Nami ngayon?! Paano niya ‘to nagawa sa ‘kin? Pano niya nagawang sirain ang pagmamahalan namin? Huhuhu! Gusto ko ng mamatay!” Si Negrong Blue ‘yan, habang parang kiti-kiting paikot-ikot dito sa bahay nila Max.

“Pano kung biglang ano na si Nami pag dating niya dito? Tapos, hindi pa naman ‘yun maingat, pano kung malaglag ‘yung ano? Edi na-ano siya? Kawawa naman ‘yung ano niya! Hays!”At ayan… Sino pa ba? Sino pa bang mag-iisip ng kung anu-anong masasamang pangyayari tungkol kay Nami? Edi si Tan! Si Tan lang naman ‘yung walang hiya dito eh!

“Iniisip ko pa lang kung anong magiging ugali ng bunga ni Nami, kinakabahan na ko! Pano kung katulad din siya Nami? HAYY! Ano na kayang mangyayari—Teka, teka! Eh paano pa pala kung mas malala pa siya kay Nami? Huhuhu!” Pagmamaktol ng under na si Fox habang nginangatngat ‘yung kuko niya at ikot din ng ikot sa bahay nila Max.

“T*ng*n* lang talaga! Pag nakita ko ‘yang lalaking umano kay Nami, ibibitin ko talaga siya patiwarik sa puno ng maraming langgam! HANGGANG SA MAMATAY SIYA! Loko siya! Anong karapatan niyang agawin sa ‘kin ‘yung kapatid ko? Ni wala pa ngang basbas ng kuya, tapos biglang boom! Na lang? T***GNA!” Galit na sabi ni Max habang nakayukom ang kamao.

“500…” Bilang ko ulit. Tinatamad na talaga ako, kaya eto na lang ‘yung ginagawa ko. Nagbibilang. Nakakatamad kasi marinig ‘yung mga ka O.A.-han ng apat na kumag na ‘to eh. At promise, nakakahilo na! Kulang na lang ikutin na nila ‘yung buong bahay eh!

“501…” Nangalumbaba ako at tinignan ulit ‘yung apat na g*gong takot na takot, na parang natatae, na parang… EWAN!

“Teka nga, Mimicko! Ano ba ‘yang binibilang mo?” Biglang hirit ni Fox kaya napatigil silang lahat.

“Edi ‘yung pag-ikot niyo! Putcha! Kanina pa kayo paikot-ikot dyan, akala niyo naman masosolusyunan niyan ‘yung problema niyo! At talagang sabay-sabay pa kayo! Ano ba yan, may counting? Tipong 1,2,3… tapos talikod, sabay lakad? 4,5,6… harap sabay lakad ulit? At may speech pa! Paulit-ulit lang naman! Actually, memorize ko na nga eh! Gusto niyo isulat ko sa 1whole? LETCHE!” Nasuntok ko na lang ‘yung lamesa sa gilid ko sa sobrang rindi sa apat na ‘to. Kumag, letse. Mas ok pa kasama si Nami eh! Mas matino-tino pa!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Girly GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon