Chap 2

31 1 1
                                    

Chap 2

Mimicko’s PoV!

(Bahay nila Nami)

“Hala! Lagot ka kay Nami, pre!!”

“Ako ngang kuya niya never siyang pinaiyak, tapos ikaw? I’m very disappointed. Very, very disappointed to you.”

“Ano kayang itsura ni Nami pag umiiyak? Ang ganda niya siguro? Hayy! Nakakainggit ka, Mimicko!”

“Baka magpakamatay si Nami sa sobrang depresyon. Tsk, Tsk.”

Kanina ko pa gustong pagsasapakin ‘tong apat na g*gong ‘to sa bahay nila Nami. Kaya nga ko pumunta dito para mabawasan ‘tong problema ko eh! Tapos putcha! Mas lalo pa nilang dinadagdagan!

Nga pala, nagtipon tipon ang mga siraulo (maliban sa’kin) ngayon kasi pinatawag ko sila. At syempre, dahil ako ang pinaka-pogi sa aming lima, eh sinunod agad nila ako. Kaso ngayon, nagsisisi na kong pinatawag ko pa sila! Mga punyemas!!

Nandito ngayon si Max(Kuya ni Nami), Blue(Stalker ni Nami), Fox(Under kay Nami), at Tan(Walang pakialam kay Nami). Nakapalibot kami sa isang lamesa at nag-uusap-usap. Kwinento ko kasi sa kanila kung ano ‘yung nangyari kanina, at ayan, kinokonsensya na nila ako ngayon.

“Pero alam niyo…” Napatingin ang lahat kay Max nung nagsalita siya. “May ipinagtataka lang ako?”

“Ano ‘yun? Ano ‘yun?” Tanong ko agad.

“Kung bakit umiyak si Nami? Eh ‘di ba nga pinaiyak siya ni Mimicko!” Singit ni Fox. Binatukan ko naman siya agad. Epal eh. Obvious na, sasabihin pa.

                                                     

“Nagtataka ka kung bakit maganda si Nami, at ikaw hindi? G*go, bakla ka pre! Bakla!” Nandidiring sabi ni Blue.

“Edi magtaka ka! Lampake.” Masungit na sabi naman ni Tan. Wala daw pake pero tutok na tutok ‘yung mukha kay Max. Kulang na nga lang magkapalitan sila ng mukha eh.

“Pwede ba?! Ang dami niyong side comments!” Naiiritang sigaw samin ni Max. Nag-pout siya at nandiri kaming apat. Pagkatapos umirap naman siya. ‘Yung totoo, bakla ba siya o ano? Shete, nagdududa na ko kay Max ah!

“Pwede din ba Max?! Wala dito si Nami, kaya tigil-tigilan mo ‘yang pagpapa-cute mo! Mukha kang daga!” Natawa kaming tatlo sa sinabi ni Tan.

“Daga? Eh halos mamatay-matay na nga si Nami pag nakikita niya kung gano ko ka-cute eh!” Pagtatanggol ni Max sa ‘Cute daw’ niyang mukha. Dinedma na lang namin siya at hinayaan siyang lokohin ang sarili niya.

Girly GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon