Chap 1
Monami’s PoV
“Nami! Ang gulo-gulo na naman ng kwarto mo! Letche ka! Linisin mo ‘to!” Muntik ko nang mabitawan si Kikiam nung sumigaw si Kuya.
Dahan-dahan ko siyang liningon Habang nanglilisik ang mga mata. “Kuya, sinisigawan mo ba ako?”
“O- Huh?! Sinong naninigaw sa ‘yo? Sabihin mo! Sabihin mo! Nang matikman ang kamao ko!” Ipinakita pa niya sakin ang kamao niya.
“Parang kanina kasi may sumigaw ng ‘Ang gulo-gulo na naman ng kwarto mo!’ saken eh?!” Pinandilatan ko siya ng mata at ipinakit sa kanya ang ‘Makuha ka sa tingin’ face.
Ngumiti naman sakin si kuya. Aww, ang cute- Hindi-hindi. Galit ako! Dapat hindi ako madala sa ngiting aso ni kuya! “Sorry sis! Hehe” Lalo pa siyang ngumiti at lalo pa akong natunaw. Kung hindi lang ako galit, nakurot ko na pisngi niyan!
“C-Che! L-Lumayas ka nga sa ha…harap ko!” Iniiwasan kong tingnan siya pero &*$#! Ang cute niya talaga! Para siyang… Para siyang…
PUSA!
“Uy sis! Sorry na!” Nagpout pa siya na pinaka-aayawan ko. Mas lalo siyang nagmukhang pusa! Tinalo pa niya sa kacute-an si Kikiam ko! Tinaboy-taboy ko ‘yung mukha niya sa harap ko. Galit ako. Galit ako.
“Kuya. Galit ako. ‘Wag ka magpout.” Iniiwasan ko pa ring tingnan siya.
Ngumiti ulit siya. Shet kuya! Lumayas ka na dito! Galit ako! “Panindigan mo ‘yan, kapatid!” Sabi niya at inilagay ang kamay sa mukha niya tapos nag pout ulit. ANG CUTE- Hindi. Hindi siya cute siya- Ay mali, mali! Basta hindi siya cute, siya!
“Ayaw mo talaga ah?!” Ngayon naman bigla siyang tumalikod.
At pagharap niya, “Meow!”
“Kyaaaaah! Ang cute! Pakurot kuya! Pakurot! Kyaaaaaah!”
--
At dahil sa kacute-an ni Kuya, nawala ang galit ko. Napalinis niya saken ang kwarto ko, napag hugas niya ko ng pinggan, napaglaba niya ako ng damit namin, napaglampaso niya ko ng sahig, napag walis niya ako ng bahay, napaluto niya ako ng ulam namin, at higit sa lahat… napaligo pa niya sakin lahat ng pusa ko! Take note: Meron akong 26 na pusa. Ganon kahirap!
At ang kinalabasan? Tentenenen…
Basag-basag lahat ng pinggan. (Madulas kasi ‘yung sabon, nabibitawan ko.)
Naging kulay itim ‘yung puting damit, at naging puti naman ‘yung itim. (Hindi pala ako marunong maglaba, sorry?)
Nagkaroon ng baha sa loob ng bahay. (Binuhos ko kasi lahat ng tubig sa sahig. Diba ganun naman maglampaso?)
Nagkalat ang alikabok sa bahay. (No comment. Nag-walis lang ako.)
Nasunog ang kusina. Take note: Buong kusina. (Binuksan ko lang ‘yung kalan!)
At higit sa lahat…
“Meow! Meow! Meow!”
Halos mamatay na sa lamig ang mga pusa sa bahay. (Ang sabi ko lang naman, pinaliguan ko! Hindi pinunasan!)
“MONAMI DE GUZMAN!” Pagalit na sigaw ni kuya.
--
Nandito ako ngayon sa likod ng bahay. Nagtatago kasi ako kay kuya. Alam ko namang magagalit siya eh. Muntik na kasi gumuho ‘yung buong bahay dahil saken. Ay mali! Dahil pala sa kanya ‘yon!
Kung hindi lang siya nagpa-cute saken! Edi sana walang nangyaring masama sa bahay! Tapos ako ‘yung sisisihin niya! Napaka niya! Napaka niya!
Maingat na maingat akong naglakad paalis ng bahay. Pupunta na nga lang ako kala Mimi! Binubwisit lang ako dito ni kuya eh! Pumara ako ng trycicle (Pang mahirap lang ‘tong story na ‘to! Hanggang trycicle lang kinaya!) at pabulong na sinabi kay manong ‘yung pupuntahan ko. Well, pabulong talaga. Masyado kasing malakas ang pang rinig ni kuya eh. Minsan nga iniisip kong may super powers siya.