Home Alone

8 0 0
                                    

Christine's POV

"Coach Tine." napalingon ako sa nagsalita.

"O, Chris, What is it?" tanong ko kay Chris kahit na medyo na-o-awkward-an ako sa sitwasyon namin.

"I would like to excuse myself for tomorrow, I'm going to Italy with my family tomorrow until 26."

"That's okay then." sabi ko.

"Thanks, Coach." sabi niya ng nakangiti pa.

After that, umalis na siya.

Hay naku. Mukhang lonely talaga ko sa birthday ko.

Di bale, matutulog nalang ako.

~Birthday~

At dahil nga may mga kanya-kanya silang lakad, ako lang mag-isa.

Napagpasyahan kong pumunta sa sementeryo.

"Hi, Kuya, Dad... I'm back." sabi ko habang hinahaplos ang mga lapidang may nakaukit na 'Christian James Baylon' at 'Alfred Baylon'

"Sorry kung matagal na akong hindi nakakauwi. I miss you so much, Dad, Kuya. Malaki ang utang na loob ko sa inyo. Hindi lang dahil sa pag-ampon niyo sakin kundi pati narin sa pagtatanggol niyo sa akin... Thank you for taking care of me. Don't worry, Dad, aalagaan ko si Mom."

Tama po ang pagkakabasa niyo. Isa akong ampon ng mga Baylon.

I don't remember kung sino ang tunay kong mga magulang dahil 5 years old palang ako nang magcrash ang eroplanong sinasakyan namin papuntang Bacolod. Hindi rin ako sigurado kung buhay pa ba ang pamilya ko. Kinupkop ako ng pamilyang Baylon, hindi nila nilihim na isa akong ampon.

When I was in highschool, Kuya Christian is already in college. Sabay silang namatay ni Daddy dahil sa isang car accident na kasalanan ko. Kung napansin ko sanang may dumadaan na kotse, hindi sana sila naaksidente. Nagkabanggaan na kasi noon ang mga sasakyan. They died on the day before my birthday.

Hindi naman ako sinisi ni Mommy dahil ang muntik nang nakasagasa sa akin ang may tunay na kasalanan. Tatawid sana ako kaso humaharurot yung kotse kaya nagkagulo-gulo. Dad and Kuya--they always save me from those people na linalait ako dahil sa pagiging ampon ko. Hindi nila ako kailanman ikinahiya.

"Dad and Kuya. Sorry."

Matapos sa sementeryo ay pumunta ako sa bahay ampunan na 'Home of Hope' isa sa mga ampunan na sinusuportahan ng company namin, nagdala narin ako ng mga laruan at pagkain para sa mga bata. Masyado kasing malungkot kung mag-isa lang ako sa bahay. Dito dapat kami pupunta ng Aces kaya lang busy sila kaya sa ibang pagkakataon ko nalang sila dadalhin dito.

I was surprised when mom's name registered on my phone.

"Hi Mom!"

(Wag mo kong ma-hi-hi diyan, bakit hindi mo ko tinawagan?)

"Sorry Mom, medyo naging busy lang. How are you?"

(Busy daw--sus! I'm good naman. You?)

"Ayos naman ako, Mom. Super saya nga dito sa Pinas eh." sabi ko na pinasigla pa ang boses ko.

(Good thing you're enjoying. I'm missing you na kaya ako napatawag. Don't you have a date?)

"Wala man eh. Na-traffic yata sa edsa yung ka-date ko, next year pa makakarating." sabi ko na ikinatawa naman niya.

Matagal na kamustahan pa bago tuluyang nagpaalam si Mommy.










Hay.... What a lonely day.


Patay sakin yang mga aces na yan!


Mga leche nila, di nila ko sinipot...


Lintik lang ang walang ganti.


~

The One Who Left MeWhere stories live. Discover now