PART ONE
Pairings: Sehun & Luhan
Genre: Fanfiction
Angst----------------
Palagi na lang ba akong ganito? Palagi na lang ba akong masasaktan?
“ F*ck f*ck f*ck! Luhan hyunnngg~ ” walang gana ko siyang nilingon at nasa libro pa rin na binabasa ko yung tingin ko. Ayaw kong tumingin sa mga mata niya masasaktan ako.
“ Hmm? ”
“ Sama ka saken punta daw tayo sa bahay ni Chanyeol hyung sabi ni Baekhyun nandoon daw kase siya dahil ipinagluto niya si Chanyeol hyung ng paborito niyang ulam! ” sasagot pa sana ako ng bigla na lang niya akong hilain. Tanginamo ka talaga Sehun muntik na akong matapilok dahil sayo! Kung hindi lang talaga kita mahal hindi talaga kita sasamahan sa long time crush mong si Baekhyun.
Nang nasa bahay na kami ni Chanyeol ay hindi ko mapigilan na mapasimangot dahil why not? Sino bang hindi magseselos pag nakita mo yung mahal mo nagtatawanan at masaya kasama ang mahal niya?
Napansin kong bumukas yung pinto ng kwarto ni Chanyeol at iniluwa nun si Chanyeol na halata ding nasasaktan sa nakikita niya ngayon. Hindi lang pala ako nag iisang nasasaktan... May kasama pala ako.
Nakita kong tumutubig na yung mga mata ni Chanyeol kaya umiwas na ito ng tingin sa dalawa at pumasok na sakanyang kwarto. Nalulungkot ako para sakanya. Nalulungkot ako para saaming dalawa.
-
Lumipas ang ilang araw ay mas lalong lumalayo na saakin si Sehun kaya napagdesisyunan kong yayain siyang mag bubble tea.
“ Sehunniee~ ” tawag ko sakanya at hindi man lang niya ako binigyan ng pansin. Nakaramdam na lang ako ng kurot sa puso.
“ Luhan hyung alam mo bang tumawag si Baekhyun hyung sakin kanina? At first time kong marinig yung tawa niya! Ang gandang pakinggan! Tapos kinwento niya saakin na may kaunting nararamdaman na daw siya kay Chanyeol hyung bwiset hyung masakit...nasaktan ako ng sinabi niya saakin na may kaunting nararamdaman na siya kay Chanyeol hyung...alam ko namang wala na siyang pag asa kay hyung eh! Sana ako na lang yung nagustuhan niya hindi ko pa siya sasaktan! Haaaaayy ang swerte swerte naman ni Chanyeol hyung..” malungkot nitong sabi sakin. Napangiti ako ng mapait.