CHANBAEK

302 10 0
                                    


PART ONE
Pairings: Chanyeol & Baekhyun
Genre: Fanfiction
Warning: Angst
-----------------------------

Baeeeekkkk sige naaaa samahan mo na akong mamasyal please?? ” pag mamakaawa niya kay Baekhyun at hindi mapigilan na mainis dahil sa kakulitan nito.

Ano ba! Next time na kita mo oh busy ako shoo shoo! Alis! ” pagtataboy niya at hindi naman napigilan ng binatang si Chanyeol na masaktan sa pagtataboy nito. Matagal nang may pag tingin si Chanyeol kay Baekhyun pero sadyang napaka manhid ng ating baklang bida at hindi niya ito namalayan na may pag tingin na pala ang childhood friend niya sakanya.

Nasaktan ng sobra si Chanyeol kaya napatalikod na lang ito kay Baekhyun at pumunta na lang sa kwarto nito habang hindi niya namamalayan na may dalawang pares na mga mata palang nakatingin at nasasaktan itong nakikita na nasasaktan ito sa iba.

Kung ako lang ang sana ang iyong minahal hindi ka sana masasaktan. ”

-

Kinabukasan ay nagising si Chanyeol sa ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto niya. Out of curiosity ay lumabas ito sa kwarto at hindi niya inaasahan na ito kaagad ang bubungad umagang-umaga.

Parang tinusok ng milyong-milyong karayom ang puso nito. Naikuyom nito ang kamao sa sobrang selos at pumasok ulit sa kwarto niya at doon niya na lahat binuhos ang galit at selos na nararamdaman niya.

Nakita niya lang naman na naglalandian na naman si Sehun at Baekhyun sa labas.

Pinahid niya na lang yung luhang tumulo sa mga mata niya.

Umabot ang gabi ay hindi padin lumalabas si Chanyeol sakanyang kwarto at nagsisimula nang mag ala-la sina Luhan, Jongin ay Kyungsoo na nasa sala lang. Wala na sila Sehun at Baekhyun dahil sabay na umuwi ang dalawa.

Hindi na mapigilan pa ni Kyungsoo kaya tumayo na ito at pumunta sa harap ng pintuan ng kwarto ni Chanyeol at panay itong kumatok pero walang sumasagot kaya nataranta na ito.

JONGIN! LUHAN! KUNIN NIYO YUNG SUSI NG KWARTO NI CHANYEOL BILISAN NIYOOO! ” Sigaw ni Kyungsoo at panay pa din itong kumakatok sa pintuan ni Chanyeol. Hindi din tumagal ay dumating na din si Luhan at Jongin na may dala-dalang Dalawang susi.

Hindi ko alam kung saan dito yung susi ng kwarto ni Chanyeol pero I try na kang natin tong dalawa baka nandito lang yun! ” ani ni Luhan at kinuha na kaagad ni Kyungsoo yung susi sa kamay ni Luhan at pinasok ito sa door knob at bumukas na ito. Dali-daling pumasok silang tatlo at nagulat silang lahat ng makita nila si Chanyeol na naka higa na sa sahig at may hawak-hawak sa kaliwang kamay niya ng iba't-ibang gamot.

Miracles In DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon