SID 13: Their Dinner Date

916 25 1
                                    

Maikli lang to, kasi dinner at bonding lang naman nila eh. Pero sana magustuhan nyo. ^___^

+missHazu+

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

Chapter 13

Jeoja's POV

Pinuntahan na ni Belle si Shana sa table nila.

"Hi ate, nandito na ko. Kanina ka pa?" -belle

"Hello, ah medyo kadadating ko lang pero um-order na ko ng pagkain natin. Upo ka na." -Shana

Umupo na nga si Belle at tinuloy ang kwentuhan nila.

"Ate, kelan balik mo?" -belle

"Ahm, siguro next month, kasi madami - dami din ung aasikasuhin ko eh." -shana

"Ahh, okay. Ang tagal pa pala." -belle

"Wag ka na malungkot, babalik din naman ako eh. Nga pala, may nanliligaw na ba sayo?" -shana

"Ate naman, wala noh. Kung meron man, sasabihin ko yun sayo." -belle

"Okay sige, sabi mo eh. Basta tawagan mo agad ako kung meron na ah?" - shana

"Yes ate, ikaw pa." -belle

Close na close talaga ang magkapatid at magkasundong - magkasundo din sila pagdating sa kalokohan simula pagkabata, kahit minsan lang sila magkita. Madalas din si Shana ang nagtatanggol kay Belle kapag may nang-aaway sa kanya.

*FLASHBACK*

(a/n: Mga bata pa po sila dito.)

"Ate, inaway ako nung kalaro ko kanina. *sobs*" -belle

"Nasan sya, dalhin mo ko sa kanya at aawayin ko sya. Di ka nila pwedeng saktan." -shana

"Nandun sila sa playground, ate." - belle

Nung nakarating na sila sa playground, hinagis ni shana ang dala nyang mga palaka dun sa mga nang-away kay belle.

"Ahhh!! Frogs, eeww!! Mommy!!" - mga bata

"Hahaha, buti nga sa inyo. Inaaway nyo kasi ang kapatid ko eh. :P" -shana

Tuluyan nang tumakbo ang mga batang umaway kay belle.

"Thank you, ate. I love you." -belle

"Wala yun. sanay na ko eh. I love you, too. Tara na, balik na tayo sa bahay baka hinahanap na tayo nila mama." - shana

*END OF FLASHBACK*

Dumating na ung in-order nila at kumain na sila.

"Ayan, kain na tayo." - shana

"Okay. Itadakimasu." - Belle

After nila kumain, syempre di mawawala ang picture taking. ^___^.

(a/n: Nasa gilid po ung best shot nila. ==>)

"Wahh, thank you ate dito sa dinner. Mamimiss kita, syang nga lang di kita mahahatid bukas." -belle

"Okay lang yun sissy. Sunduin mo na lang ako next month." -shana

"Okay!" -belle

"So, tara na. Uwi na tayo, sa bahay na lang natin ituloy bonding natin." -shana

"Okay, sige." -belle

***

Pagdating sa bahay, nag movie marathon lang sila. Puro romantic movies pinapanuod nila habang kumakain ng popcorn sa theatre room nila(?). 

Magkatabi din silang natulog sa kwarto ni shana.

***

Kinabukasan, sabay din silang nag breakfast. Hinatid lang ni belle si Shana hanggang sa labas ng bahay nila, dahil may pasok pa sya. Ayaw din kasi nyang um-absent eh.

Pagka-alis ng ate nya, naghanda na rin sya papunta sa school.

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

Whatta lame update. Sorry, school days na eh. Di ko kering pagsabayin ang school at itong story ko. Pero next week ulit siguro update ko. hehe.

(Play nyo ung video sa gilid. Fanvid po sya ni IU at Jiyeon, nakita ko lang sa youtube. Dahil nga sa sila ung nasa chapter na to, nilagay ko yan.)

Vote and Comment kung nagustuhan nyo. :))

+MissHazu+

She's in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon