SID 17: Date for Plan A = Disaster

795 26 1
                                    

Chapter 17

DJ's POV

Sumakay na kami ng kotse ko, mukha ngang naiilang na si Louisse sakin eh.

 Kagaya ng sinabi ko, magda-date kami dahil dun sa 'bet' kaya nga lang, hindi nya alam yun. Edi, kung malaman nya, palpak ako sigurado.

 Sana nga, di nya ko mabuking eh.

 After siguro na mga 15 minutes, nakarating na kami sa park. Wala pa ring kibo si Louisse, siguro nabigla dahil tinuloy ko ung date namin.

 "Uhm, Louisse? Oi! Buhay ka pa ba?" -ako

"Ha? -- ah oo. Sige una na ko ha." -sya

"Eh, kakadating pa nga lang natin dito eh, tapos aalis ka na agad? " -ako 

 "Ano kasii eh -- ahm --" -sya. Pinutol ko na ung sasabihin nya, magdadahilan lang un eh.

 "No, di ka pwedeng tumanggi. Kahit 30 minutes lang, pumayag ka na, tutal 5:30 pa lang eh." -ako

 "Sige na nga." -sya

 Good.

 Let the Plan A begin. *evil grin*

 ============================================

                                            THE PLAN A:

• Unang - una naglibot muna kami sa park. 

     Tandaan: Purihin mo sya para mainlove sya sayo.

                           1st Scene:

  "Louisse..." -Dj

 "Hmm? (Di sya lumingon kay Dj)" -Belle

 "Alam mo, mas maganda kung wala kang salamin tapos nakalugay ung buhok mo.Yung parang ayos mo nung nakita kita sa CC." -Dj

 "Ok." -Belle

 Tangna naman, 'OK' lang ung sagot? Anong klaseng sagot un. Langya naman oh.

 Okay, relax lang Dj, habaan  mo pasensya mo. Mag-isip ka pa ng ibang paraan.

                    2nd Scene:

"Pero, alam mo Louisse." -Dj

"Sorry di ko alam eh. " -Belle

 Shit naman! Ano ba? Bakit ba binabara ko ng babaeng to? Di ba sya tinatamaan ng 'charms' ko.

 Dj, ayus lang yan, wag mo pahalata na nabubwisit ka na. Ituloy mo lang ung sasabihin mo. Hooo!

 "Ikaw naman, pinapatawa mo ko eh. Haha." -Dj

 "........." - Belle

"Pero seryoso, alam mo, you're beautiful   JUST the way you are." -Dj

 "K."

 What the hell!? 'K'? as in 'K'? Anong klaseng sagot yan. Sarap pumatay. Iyon na ata ang PINAKAMAGANDANG sagot na nakuha ko sa pagco-compliment ko ng isang babae. TSK. Tapos di pa sya lumingon sakin.

Pasalamat nga sya, ni-compliment ko sya. Tangna lang. Sarap mambugbog. Nakakabad-trip.

 Pagkatapos nyang sumagot di na ko nagsalita. Nag-iisip pa ko ng gagawin ulit eh.

 Nung nakapag- isip na ko, agad kong ginawa un.

 • Ilibre sya ng pagkain.

       Tandaan: Bago ka bumili na pagkain, siguraduhin mo na gusto nya un.

She's in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon