Prologue

92.4K 2K 673
                                    

ORIGINAL STORY OF MARIELICIOUS

COPYRIGHT © 2018 BY Marielicious

Reproduction or usage of this work in whole or in part in any form by any electronic, mechanical or other means, now known or hereinafter invented,is forbidden without the permission from the author.

All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author,and have no relation to anyone having the same names . They are not even distantly inspired by any individual known or unknown to the author, and all the incidents are merely inventions (ehem... Actually, inspired pala sa real events. Mga 40% lang naman hehe)

POSTED: January 1, 2018 (1:41 am)

TITLE: Hey, You!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

PROLOGUE

"Mary Gil!"

Parang walang narinig ay nagpatuloy ako sa paglalakad palayo. Paano ba naman kasing itong bestfriend kong si Mia, panay ang reto sa akin ng kung sino-sinong lalaki. This time, ang nirereto niya naman sa akin ay 'yong kaibigan daw ng kuya niya na 3rd year Architecture.

"Mary Gil! Ano ba!"

Napahinto ako nang humarang sa dadaanan ko ang isa ko pang kaibigan na mas concern pa sa love life ko kaysa sa akin. Si Mia.

"Nagyayaya si Andrei na mag-lunch oh. Interesado siya sa'yo," sabi niya pa at akmang hihilain ako pabalik kay Mia pero agad kong binawi ang braso ko. "Mary Gil, nakakahiya sa tao."

"Ayoko nga sabi e!"

"Choosy ka pa? Si Andrei na 'yon o. Gwapo, mayaman, matalino, running for Cum Lau—"

"Heh! Mapa-running for Mayor or president pa yan ng Pilipinas, ayaw ko! So, please, tigil tigilan niyo nga ako sa kaka-set up ng blind date sa akin dahil hindi ako interesado, Mia!"

Umirap siya, kasunod nito ay ang pagsulpot ni Lindy sa tabi ko. "O, ano na naman? Iindyanin mo na naman si Andrei, Mary Gil? Pangatlong beses na 'yon nagyaya—"

Tinaasan ko siya ng kilay. "E kayo naman ang nagpupush sa date na yan, so kayo nalang ang lumabas." Ngumiti ako at bahagyang inayos ang mahaba kong buhok na nililipad ng hangin. Sumimangot sila. "Anyway, uuwi na ako. Medyo na-stress ako sa quiz. Magrerelax muna—"

"Hmp, kj!" komento ni Lindy.

Tumango naman si Mia. "True, kaya ka single e. Tamo kami ni Lindy, may jowa. Ikaw lang ang wala."

"Tama!"

Nagpalipat lipat ako ng tingin sa kanila. Wow, ha. Medyo na-hurt ako ng slight dun. "Single na kung single. Happy naman ako, e. At least, ako, walang pinoproblema kundi pag-aaral lang, allowance at parents ko."

"Defensive!" sabay na sabi nila sa akin.

"Oy, grabe—"

Tumunog ang phone ni Lindy. Medyo maarte niya iyong nilabas mula sa pocket niya at binasa ang kung anumang text na natanggap niya. I bet it's from her boyfriend. Halatang kinikilig ang pwet e.

"Oh! Nagyayaya si Rocky na kumain sa labas. Sama kayo. Libre raw niya."

Umikot ang mata ko sa ere. Sabi na e! Anyway, Rocky is Lindy's boyfriend. Mayaman, laging nanlilibre. Yun nga lang, halatang fuvkboy!

Hey, You! (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon