Epilogue
Mabilis nalang ang naging usad ng mga araw.
Ni hindi ko na namalayan kung paano ko nairaos ang Christmas Break. Ito na yata ang pinakamalungkot na paskong nagdaan sa bahay namin kumpara sa mga nakalipas na taon. Kahit kasi na anong pilit namin na maging normal pa rin pagkatapos ng mga nangyari nitong taon ay hindi pa rin maiwasang maging mabigat ang atmosphere sa bahay. Nakadagdag pa rito yung pagiging subject ng chismis ng mga kapit-bahay namin na kesyo ipinagmamalaki raw kami ni Mama pero 'di kalaunan e nakabuntis daw ang kapatid ko at baka sumunod na rin daw ako na magloko.
Hayy. Syempre masakit. Hindi makatarungan talaga ang mga chismosa sa paligid. One mistake and everyone in the family gets judged.
I felt so miserable and alone pero kahit ganun pa man ay mas pinili kong bigyan muna ng panahon ang sarili ko para mag-isip-isip at mag-reflect. Mas okay na ito kaysa gawin ko yung mga bagay na ginagawa ko dati tuwing nag-iisa ako— ang tumambay sa chatting app.
Kung dati-rati ay excited ako na mag-sembreak na, ngayon naman ay gustong-gusto ko nang bumalik sa pagpasok sa klase. Habang tumatagal ay nare-realize ko na the more na nandito ako sa bahay ay the more na nalulugmok lang ako sa kalungkutan. Tuwing nag-iisa kasi ako sa kwarto ay may kung anong nagti-trigger sa akin na mag-isip ng maraming bagay na nagpapagulo lang lalo sa utak ko, maging sa nararamdaman ko.
Una, naghiwalay ang mga magulang ko dahil may iba ng kinakasama si Papa sa Japan.
Pangalawa, binigo ng kapatid kong si Vergel si Mama sa pangako naming dalawa na ipaprayoridad namin ng pag-aaral over anything else. Ngunit nabuntis lang niya ang girlfriend niya.
Pangatlo, nahihirapan na kami sa mga finances namin.
Gusto ko na rin sanang idagdag iyong naging heartbreak ko mula sa isang platonic na relationship or AKA 'parang-kami-pero-walang-kami-at-heto-naman-akong-si-tanga-sumakay-sa-agos-kaya-na-ghost-sa-dulo-boom-tanga' na relasyon.
Lahat ng 'yon ay naranasan ko sa nakalipas na taon. Ang saklap. Pero gaya nga ng sabi ng iba, 'that's life' and I have to just deal with it. For sure, hindi lang naman ako 'yong may pinakamasaklap na buhay sa mundong ito. Ang mabuti pa'y iwanan nalang ang lahat ng mga masamang alaala kasabay ng paglipas ng taon at huwag nang dalhin pa next year.
But on a positive note, naging maganda pa rin naman kahit papaano ang naging pagsalubong ng bagong taon sa amin.
Nasa harap ako ng salamin habang inaayos ang suot kong school uniform nang tumunog ang phone ko. Si Mia ang nagtext.
Mia: Good morning, Mary Gil! Hintayin mo ako sa first floor. Sabay na tayo pumasok sa first class ha? Ayoko maghanap ng classroom nang mag-isa.
Napangiti nalang ako sa text message ng kaibigan ko. Mabilis akong nagreply ng 'okay, see you' at bumalik ulit sa salamin. This time, natulala nalang ako sa sarili kong reflection.
Sa totoo lang, muntik na akong mawalan ng pag-asa na makapag-enroll sa second semester. 'Yon ang naging problema ko habang nasa Christmas break kaya hindi na ako nagtataka na pumayat ako ng kaunti. Masyado kasi akong naging malungkot at problemado ng tatlong linggo sa bahay. Sinubukan kong mag-apply ng trabaho pero hindi naging madali para sa akin. Lumapit na nga rin ako sa mga kamag-anak ko para humiram ng pera na pang-enroll pero dahil kakatapos lang ng gastusin noong pasko ay hindi naging posible.
However, good things come to those who wait ika nga nila. Just when I thought of giving up ay naka-receive ako ng email mula sa university namin three days after New Year's eve. I just got accepted in a Full Scholarship Program! Which is weird kasi hindi naman ako nag-apply sa program na yon dahil in the first place, hindi ko alam na may nag-eexist na ganun. All I remember was I applied as a Student Assistant to get a fifty percent discount. Pero sa sitwasyon kong ito ay hindi na mahalaga na malaman kung paano ako na-qualify sa program na yon dahil marahil isa na itong blessing para sa akin!
BINABASA MO ANG
Hey, You! (Short Story)
RomanceWould online relationship work between a college student and a mysterious stranger? Pre-quel story of Jake Clarence Montes