Chapter 10
Dumating na ang araw ng defense para sa Marketing Plan namin.
Actually, ngayon ang araw na ikinakakaba namin nina Mia at Lindy and at the same time, ito rin ang araw na pinakahihintay namin para sa semester na ito. It was as if we have been preparing for the whole semester for this defense. Natapos na ang final exams para sa lahat ng subjects namin at ito nalang ang kaisa-isang natitira bago matapos ang first semester at para makapahinga na rin ang lahat ng estudyante for the Christmas Break.
Grupo na namin ang susunod na sasalang sa defense kung kaya naman ay tensionado kaming tatlo nina Mia at Lindy habang nag-aabang ng turn namin sa labas ng classroom. Panay ang paypay ko sa sarili dahil sa magkahalong tagaktak na pawis dulot ng sobrang kaba pati na rin ng init dahil sa makapal na suot kong corporate attire.
"Kinakabahan ako, love!"
Napatingin ako sa nagsalita who happened to be Mia. Kausap niya marahil ang boyfriend niyang si Archie sa phone. Napansin ko ring lumayo si Lindy nang bahagya dahil ka-video call naman niya ang boyfriend niyang si Rocky. Buti pa sila, may tiga-comfort ngayong kabado sila.
Napabuntong-hininga nalang ako at napasandal sa pader na malapit sa pinto ng classroom. Bigla ko kasing naalala si Jake. Tatlong araw na kasi siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Sa tuwing sinisilip ko ang chatbox namin ay hindi ko naaabutang online siya. Parang nagkakataon na 1-2 hours ang pagitan ng pag-oonline namin. Marahil sumisilip lang siya nang mabilisan sa messenger niya dahil sa sobrang abala niya sa trabaho.
'But it would only take 5 seconds to compose a message para lang mangamusta, Mary Gil . . .' Iyon ang palaging binubulong sa akin ng isang parte ng isip ko na palagi kong kinokontra. Jake must be so busy that he could not even hold a short conversation. Sigurado naman akong magpaparamdam siya kapag maluwag na ang schedule niya.
But then again, nahuli ko na naman ang sarili kong nakatitig sa naka-open na chat history namin. Para akong kinakain ng kaba dahil anytime ay sasalang na kami sa defense. Gusto ko lang namang may mapaghugutan ng lakas ng loob sa pagkakataong ito.
Isang goodluck lang naman kailangan ko, Jake. . .
I drew out a deep breath and began to type a message for Jake.
Me: Hi, Jake. Ngayon na ang defense ng Marketing Plan namin. Please wish me luck.
Pagka-send ko ng message na 'yon ay saktong lumabas ang grupo na nag-defense. Marahil ay tapos na sila.
"Next group daw," sabi ni Yuki na sapo-sapo ang dibdib niya.
Napalingon sina Mia at Lindy sa narinig. Napapikit naman ako nang mariin at napa-sign ofthe cross. It's our turn.
"Guys, kaya natin 'to. Okay?" Ani Lindy habang nakakapit sa braso naming dalawa ni Mia. Sabay kaming tumango bilang tugon at pinilit na ngumiti. "Let's go..."
Papasok na kami no'n nang maramdaman kong nag-vibrate ang hawak kong phone. Halos tumalon ang puso ko nang makita sa message preview ang reply ni Jake.
Jake: Goodluck. You got it.
I feigned a smile of what I have read not because I am happy that finally he messaged me after three days of absence but because I was trying to hide my disappointment in him. Online naman pala pero bakit parang tinataguan niya ako?
Ganun pa man, kahit mabigat sa loob ko ay mabilis akong nagcompose ng reply bago tuluyang pumasok sa classroom.
Me: Thanks, Jake. I hope you're doing well.
**
Mabilis lumipas ang araw nang walang paramdam si Jake sa akin. Ang huli niyang message sa akin ay noong defense pa namin and since then, hindi na siya nagreply ulit. Sa katunayan ay sineen lang niya ang huling message ko.
BINABASA MO ANG
Hey, You! (Short Story)
RomanceWould online relationship work between a college student and a mysterious stranger? Pre-quel story of Jake Clarence Montes