Chapter 7
Andrei Liu sent you a friend request...
"Wow! In-add ka ni Andrei Liu?!" Hindi makapaniwala si Lindy sa nakita sa laptop ko. Nasa bleachers kami sa soccer field para i-review ang softcopy ng Marketing Plan namin nang makita ni Lindy ang nag-pop sa Facebook window ko.
Nakiusyoso na rin si Mia. "OMG! Torpe no more na ang koya natin. I love it!"
"Hindi niya na kailangan ang tulong namin para magpatulay sa'yo, Mary Gil. Dumamoves na siya on his own e," kinikilig na sabi ni Lindy at nakipag-apir pa kay Mia. Napakunot noo nalang ako sa mga pinagsasabi nila. Wala akong maintindihan.
"Tignan mo. Ichachat ka nyan mamaya. Accept mo na. Dali!"
Sinarado ko na ang laptop ko at napabuga nalang sa hangin. "Ano ba kayo. Nakipagkilala kasi siya sa akin kanina. Baka gusto lang makipagkaibigan. Alam niyo na. Baka kailangan ng connections. Baka tatakbo siya sa Student Election," I replied in irritation.
Nahampas tuloy ako ni Mia. "Ano ka ba! Si Andrei yan, remember? Siya yung gustong makipagkilala sa'yo last time kaso umayaw ka. Kaibigan siya ng kuya ko. I know how nice he is!"
Mas lalo nangunot ang noo ko sa pagtataka. Sobrang gulong gulo ako sa pinagsasasabi nilang dalawa.
"Tatakbo sa Student Election? Hello! Si Andrei Liu yan. Taga-Architecture. Running for Cum Laude. Does it ring a bell?" Lindy sounded frustrated dahil hindi ko maalala kung sino ba talaga siya.
"Hindi mo talaga maalala?" Sabat ni Mia nang medyo nag-space out ako para alalahanin kung sino ba siya. "Tropa siya ng kuya ko. Naalala mo last time nung niyayaya ka namin para i-meet siya. Mary Gil, tatlong beses siyang nagpatulong sa amin pero tinurn down mo lang."
Ohh. Unti unti kong naalala yung mga panahong nangungulit sina Mia at Lindy para i-meet itong certain guy na hindi ko kilala kaya panay ang tanggi ko. Todo build up pa nga nila sa lalaking 'yon para sa akin para mapapayag akong makipagkilala sa kanya pero dahil nahilig ako sa Emegle ay tumatanggi ako at umuuwi nang maaga.
"Ahh, naalala ko na. Siya pala 'yon..." walang ganang sabi ko.
"Oo. Siya nga 'yon!" Halos patiling sagot ni Mia. "Uy, Mary Gil. I-entertain mo yan kapag chinat ka, ah."
"Hindi ko pa nga ina-accept. Paano ko ie-entertain?"
"Kaya nga i-accept mo na para i-chat ka na niya."
Hinampas ako ni Lindy. "Push mo na yan. Mabait 'yan si Andrei. Mayaman pa at matalino. Matino 'yang lalaki," sabi niya pa.
Ni-logout ko ang Facebook ko at sinarado na rin ang laptop ko bago iyon isinilid sa backpack ko. "Alam niyo namang wala pa akong amor amor na mag-entertain ng jojowain," I replied coldly.
Nagligpit na rin sina Mia at Lindy ng mga hardcopy ng Feasib namin. "Bahala ka," sabi ni Mia. "Isang malaking isda na 'yan si Andrei. Papakawalan mo pa?"
"Kaya nga. Halata namang matagal ka na niyang gusto. Matagal na siya nagpapatulong sa amin e." Si Lindy.
Tumayo na ako at hindi na pinansin ang mga sinabi nila. Ang mabuti pa ay umuwi nalang. Lowbat na kasi ako. Baka nag-chat na si Jake sa akin. "Una na ako sa inyo. Ingat sa pag-uwi," I bid goodbye and was about to descend through the bleachers when Mia said something.
"Nga pala, Mary Gil!" Medyo pasigaw iyon kaya huminto ako sa pagbaba at nilingon ko siya. "Birthday ko na sa Sabado."
Oh. November 24 na pala sa Saturday. How time flies.
"Wala akong handa sa bahay kaya sa labas nalang tayo kakain. Itetext ko sa'yo kung saan tayo magkikita."
"Sure! Ba-bye!" Kumaway na ako sa kanila at tuluyan nang umalis.
BINABASA MO ANG
Hey, You! (Short Story)
RomantizmWould online relationship work between a college student and a mysterious stranger? Pre-quel story of Jake Clarence Montes