11: Clean

99 12 4
                                    

Helena~

"What happened?" Gulat na tanong namin dalawa ni Trixie nang nakita naming kinakausap ni Ashley ang iba.

Nagtaka naman ako bat basag ang table.

"Guys! Hello kararating ko lang! Ano ba nangyari at namamaga yang mga mata niyo? At kayo mga lalaki bugbog sarado?" Tanong ni Trixie

Dumeretso naman ako sa kusina para kunin ang walis.

Naabutan ko naman si Erulz na timatawa habang si Shazney at galit na tumitingin sakanya.

Tumikhim naman ako at nakuha ko ang kanilang atensyon.

"Sorry to disturb you.. kukunin ko lang yung walis" pumunta naman ako sa gilid ng ref para kunin ang mga gamit. Aalis na sana ako ng biglang nagsalita si Shazney.

"Oh.. bat ngayon ka lang dumating? Ang tagal mo ata dun sa labas ah"

"Ah.. actually.... Nevermind. Geh una na ako" at umalis na.

Shazney~

Bwisit na lalaki! Pagtatawanan lang ako habang ako galit na galit. Arghh

Pasalamat siya.

Akmang babatukan ko na siya nang may tumikhim. Napatingin ako at nakita ko si Helena na di komportable sa nakikita niya.

"Sorry to disturb you.. kukunin ko lang yung walis" pumunta naman siya sa gilid ng ref na nagmamadali.

"Oh.. bat ngayon ka lang dumating? Ang tagal mo ata dun sa labas ah" takang tanong ko habang tinitingnan siya.

"Ah.. actually.... Nevermind. Geh una na ako" sabay alis hanggang sa hindi ko na siya nakita pati ang anino nito.

"Problema nun?" Sabay tingin ko sa katabi ko. Bigla itong umiwas ng tingin nang humarap ako sakanya.

"Oh! Ikaw ano rin problema mo? Ha"

"Wala" sabay tingin niya sa lamesa.

"Anong wala ka jan sa---" pinutol niya ako at sinabing

"Oo, may problema ako. Malaking problema gusto mo malaman?" Nakangisi niyang sabi.

"Ang weird mo! Stop making that face. Ayoko na tuloy malaman. Pero sige. Go. I'm here to help you naman"

"Sige. Ang problema ko ay... Kung pano kita ligawan. Kung paano ka mapapasaakin. Nag iisip ako kung pano kita papasayahin" sabay tingin niya sakin deretso sa mata.

Bigla naman nag-init ang aking mukha. Sheteng kalabaw.

Erulz anong ginagawa mo sakin!!!

Tumayo naman ako at nagmadaling tumakbo papuntang sala.

Frankie~

Sh*t!

Katrina bat mo ba to ginagawa samin. Ugh!

Nagmadali naman akong lumabas at pumunta sakanila. Nakita kong nag liligpit sila ng gamit.

D*mn

Niligpit ko lahat ngbote na nakakalat pero kailangan ko ngtulong nila para ilabas ang mga ito. Kaya pala ang baho sa loob.

Pano kami matutulog na ang kalat kalat. Tss

"Guys patulong"

"Geh"

"K"

"Why"

"Yung mga matutulis na bubog pakilinisan nalang please. Ang yung iba tulungan niyo ako ilabas yung mga bote. At paki lagyan narin ng pabango dahil ang baho. And girls. Paki help ako kay Katrina" sabi ko at nagsimula nang bumalik sa kwarto habang sila nasa likod ko.

"Jalen.. tara" alok ko sakanya pero agad rin naman itong tumanggi.

Ngumiti Lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Hays.

Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon