Ben~
"Hello,Dr.Philip. Good news,may nagmatch na dugo" rinig kong sabi ni ma'am. Nandito ako ngayon nakatago sa kusina. Lahat naman sila nandun sa kwarto,nagpapahinga. Kukuhanan ko lang sana si Francine ng tubig nang di ko sinasadya na marinig ang pinaguusapan ni ma'am at yung si Dr.Philip? Sino siya? Dr?
"Ah,babae. Oo,ang pangalan ay Francine"
O__O
Francine?!
Tama ba ang sinabi sakin ni Francine na si ma'am ang pumatay sa mga kaklase namin?! Wala masyado akong alam sa mga ganito. Pero,nabasa ko lang ito sa mga libro. Lalo na yung mga zombie na kwento. Ang cure? Yun ba ang pinagsasabi ni ma'am na cure? Cure.... Dugo ang cure... Ang cure na makakapagligtas sa lahat.
"Oo nga eh. Mamatay siya kung kukuhanin ang dugo niya. Ah sige.. Hindi ko pa alam kung kailan ko siya dadalhin jan at para masimulan na ang examinasyon. Actually, naghahanap pa ako ng sulosiyon pano ko siya madala,mapaniwala. Pero kung hindi, wala akong ibang choice kundi lagyan siya ng pangpatulog at ang iba para hindi nila malaman. Gagawa na rin ako ng sulat na may pinuntahan lang siya sa tabi dahil may kinuha. Oo si Francine. Sige"
END CALL.
A-ano?!
Tama nga ang hinala ko. Tama nga ang sinabi ni Francine.
Ma'am bakit mo po ito ginagawa?!
Bumalik na ako na may dalang baso ng tubig
"Oh Ben. Bat gising kapa?" Tanong ni ma'am nang nakita niya ako.
"Ah,kukuha lang po ng tubig. Sige po, goodnight ma'am" nginitian ko naman ito.
"Fra---" natutulog siya ng mahimbing. Nandun naman si Shalom sa dulo ng sofa.
Umupo naman ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang pisngi.
Francine, totoo nga ang sinabi mo. Sa tingin ko magkasabwat Sina ma'am at si Dr.Philip. Sana maging okay ang lahat. Sana hindi lumala itong kaguluhan na nangyayari. Sana mabalik sa dati ang lahat. Kakayanin namin to. Kakayanin mo to. Kakayanin ko to. Para sayo Francine. Hindi ko hahayaan na maagaw ka nila sakin. Gagawin ko ang lahat para mailigtas ka.
Hinalikan ko naman siya sa noo at umupo sa magkabilang sofa at ipinikit ang aking mga mata.
Frankie~
"May mga wala pa ba nakuhanan ng du--"
*BOOGSH*
Hindi na naituloy ni ma'am ang sasabihin ng may narinig kaming malakas na pagbagsak sa pintuan.
M-may nakapasok!
"Get your things, weapons and everything"
Tumakbo naman kami patungo sa kwarto at kinuha ang sirili naming mga gamit.
Kakatapos lang namin kumain. Tapos ito na agad?! Kailangan nanaman namin humanap ng bagong matataguan sa ngayon. Sana walang mamamatay samin.
"Takbo! Dali!"
Pinaputukan ko naman ito sa mga ulo. Mga apat pa ang aking napatay. Nandito pa kami ngayon sa loob ng mansion. Nakikipaglaban. Icle-clear ang daanan para makalabas na kami. Umalingaw ang mga tunog ng baril dahilan para dumami ang mga ito.
"Sh*t. Wala ba kayong mga silencer?! Dumadami lang sila eh" -Carl
Mr.Sh*t nga pala siya. Palagi kasi siya nagsasabi ng sh*t.
"Wow! Pinagmamalaki mo nayan noh! Porket may silencer ka.. "
*BANG*
"Shalom pwede ba! Tumahimik ka nalang?! Ang ingay ingay na nga, ang ingay mo pa" -Rea
BINABASA MO ANG
Zombie Apocalypse
Mistério / SuspenseBUTTERCUP That's their section. Different people with different personalities and attitudes. Will these students Participate? Or Do it their own way. "Goodbye bitch" [SOON TO BE REVISED] WARNING: TYPOS AND WRONG GRAMMARS