12:Forgive me

57 3 4
                                    

Kim~

Nagliligpit kami ngayon ng mga bote. Pero unang ginawa namin ay binuhat ang bestprend kong lasing na natutulog sa kama habang hawak hawak ang isang walang laman na bote ng alak.

Tsk.

Isa isa naman namin kinuha ang mga boteng nakakalat sa sahig at inilagay sa isang supot.

Ang daming nangyari ngayon. Hays. Bat pa ba kasi humantong sa ganito.

*Sigh*

"Problema mo?" Tanong ni Shalom nagliligpit ng mga gamit.

"Wala"

"Meron"

"Shoo" sabay daan sakanyang gilid.

"Sabihin mo nga sakin anong problema mo't matulungan kita"

"Wala! Wala! Pwede ba lubayan mo ako? Ano naman pake mo sakin... Wala diba edi wala. Wag na yung padaan daanin mo pa sa ganito"

"Kim---"

"ANO BA! Why bother tiring yourself huh? Mind your own business dude. Tang*na" sigaw ko.

Napatingin naman sila lahat sakin, tahimik.

Nagulat naman ako sa ginawa ko kaya bigla akong napayuko sa galit sa sarili.

"I'm sorry. I'm so sorry" tumakbo ako palayo. Hindi ko kaya. Napakuyom na lang ako ng kamay ko.

Sh*t. Wag kang tutulo. Wag kang umiyak Kim. Akala ko ba matapang ka.

"Arrghhh!!" Napasabunot na lang ako sa galit.

What have I done!

Princess~

Nagpapahinga kaming lahat ngayon sa sala. Si Katrina gising na pero kumakain ngayon ng soup dahil nagpakalasing.

Nagdududa ako sakanya. Lahat na lang ng bagay pinagdududahan ko. Ano bang nangyayari sa sakin? Nandun yung pakiramdam na parang, parang may nagkokontrol sa amin. Sa mga galaw, isip...... Hays.

Pinasadahan ko sila ng tingin isa-isa.

Simula kay katrina na kumakain, kay Ashley na nagbabasa ng libro, kay Leanne na nakakunot ang noo, kay Shazney na nakatingin kay Erulz, si Erulz na hindi kayang mawala ang mahal niyang Shazney, si Carl na nag-iisip ng malalim, si Sofia na nakatingin kay Trixie, si Shalom na hindi alam ang gagawin kay Kim, si Ben na may iniisip na malalim,for sure si Francine yan, si Kim na may iniisip na problema, si Elton na nagi-guilty sa ginawa, si Jalen na nakatingin kay Katrina, si Frankie na umiinom ng tubig, at si Trixie....

Nagulat ako ng tumingin ako kay Trixie dahil nakatingin na ito sa sakin ng matalim. Nagsitaasan lahat ng balahibo ko,d*mn that is weird as hell. Bigla naman itong ngumiti dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. Pero ngumiti rin ako sakanya at umiwas ng tingin. Creepy

Paano kaya siya nakapasok?

Kamusta na kaya si Francine? Sana ayos lang siya.. Huwag kang mag-aalala, ililigtas ka namin.

Ano kayang iniisip nitong si Jalen?

Anong plano ni Ben? Ano kaya yung sasabihin niya na hindi natuloy? Intention kaya na putulin ni Jalen yung sasabihin ni Ben para hindi namin malaman? O baka coincidence lang yun at grabe lang talaga ako magduda sakanila? *Sigh*

"Oh my god!"

"Huh?" -Ashley.

"Bakit?" Sabay-sabay na tanong namin lahat.

"Hindi ko mahanap..." Halos bulong na salita ni Sofia. Pero rinig na rinig ko.

"Ano daw?" -Leanne.

Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon