[1]

587 22 13
                                    

A/N:

Hi readers! Sorry sa napakatagal na update nang chapter one. Nagloko kasi ang watty this past few days. Pero heto na at mababasa niyo na ang unang bahagi.

PS. Mag-start ang story the day after malaman ni Kerson na buntis si Ada.

©grasharap

Chapter One:

Third Person's PoV

Naalimpungatan si Ada ng makaramdam ng pangangasim ng sikmura.

Tumingin sa orasan na nakasabit sa tabi ng aircon.

12:05am

Inalis niya ang braso ng asawa na nakapulupot sa katawan niya saka bumaba ng kama nila.

Nasa second floor ang master's bedroom kaya gumamit pa siya ng hagdan pababa sa kusina.

Tahimik na ang buong bahay marahil nagpapahinga na lahat ng kasama nila sa mansion.

Si Manang Glo at dalawang maid ang kasama nila sa mansion.

Madilim na ang buong kabahayan. At dahil sanay at malinaw kahit sa dilim ang mata ni Ada ay nakarating siya sa kusina kahit na patay ang mga ilaw.

Binuksan agad niya ang refrigerator at binuksan ang freezer. Napangiti siya ng makita ang pakay. Ice cream. Kinuha niya ang isang galon at binuksan ang takip nito saka inamoy-amoy ang laman nito.

"Hmmmm..." napakagat-labi pa siya saka agad na tinakpan ang galon ng Ice cream at sinara ang freezer.

Lumakad na siya patungo sa lagayan ng mga kubyertos habang yakap-yakap ang galon ng ice cream na parang may aagaw sakanya ano mang oras.

Nangangapa siya sa mga drawer ng bigla siyang mapatigil dahil may narinig siyang kaluskos mula sa likuran niya. Nakiramdam siyang maigi. May narinig siyang yabag ng paa na animo'y dahan-dahan naglalakad palayo sa kanya.

Mayamaya lang ay nawala na ang ingay na narinig niya kaya nagpatuloy na siya sa paghahanap ng kubyertos. Nang sa wakas ay makakuha na siya ngunit ng isasar na niya ang drawer ay nabitawan niya ang kutsara kaya kinapa niya pa ito sa sahig.

Napatayo siya bigla ng may mahawakan siya malamig at kung anong malagkit at malansang likido.

"FVCK!" Napaatras siya at napabalikwas ng may bulto ng tao siya naatrasan.

Mabilis ang mga naging galaw niya at sa isang iglap lang ay nakadapa na ito sa sahig habang nakaapak siya sa ulo nito.

"Oh, Geez, Angel naman!" agad na naalis ni Ada ang paang nakaapak sa ulo ng kanya palang asawa.

"Ikaw pala yan! Sorry." sabi niya agad at tinulungan itong tumayo.

"Bakit ba malagkit yang kamay mo? Tsaka bakit hindi mo binubuk---" napahinto sa pagsasalita si Kerson ng pagbukas niya ng ilaw ay tumambad sa harap niya ang duguang kamay ng asawa. "FVCK! ANGEL ANONG NANGYARE SAYO?" bulalas nito at lumapit sa asawa at ineksamin ito.

Nagulat din si Ada ng makita ang dugo sakanyang mga kamay pero agad din iyon nawala. Sanay na siyang makakita nito at sa kaso niya hindi siya pwedeng makaamoy ng husto at makakita ng dugo dahil nawawala siya sa sarili every time na nangyayare iyon. Parang gusto niyang pumatay ng pumatay.

Nilingon ni Ada ang likuran niya. Nanlaki ang mata ni Kerson ng makita ang dalawa nilang katulong na parehong naliligo sa kanilang sariling dugo.

Agad niyang hinila paharap sakanya ang asawa dahil ayaw niyang mag-transform ito sa nakakatakot nitong pagkatao.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finding Queen Satana -Enemies From The Past-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon