Note 2
The night is young, but my body is tired as if I’ve carry a hundred bags of rice. Mom, it’s cold here, help me.
I’m here at the dark corner of our house. Hiding from the crackwhore if she finds me she’ll do that again.
I’m not afraid of nightmares until that thing happened.
Mom!
She’s coming.. my little body is not strong enough to hold on. Please give me some strength. I’m afraid.. it’s cold.. the darkness is eating me up.
Ace Harris POV
It’s been a week since nakilala ko ang babaeng yun. Hindi maalis ang takot niyang mukha sa aking isipan na para bang iminarka na ito doon. Nakakainis.
Bakit ba ako nagpapaapekto sa isang mahinang organismo? Fuck. Magbabayad siya. Masyado niyang ginulo ang utak ko. -__- Micaela Swardson. Mahahanap din kita.
“Ace! Hindi ko mahanap. Tang ina sinong bang matinong tao ang magpapahanap ng isang babae tapos aso lang clue bukod sa buong pangalan niya?”
“Me. Shut the fuck up Midnight. You’re too loud and annoying!”
“Gaaaa. Hindi ko nga mahanap! Isang linggo narin akong naghahanap jan sa gagawin mong aso mo! Teka nga pala. Magaling kana naman ah. Bakit hindi ka pa napasok?” tugon ni Midnight habang papunta sa lamesa para kumuha ng mansanas na agad din naman niyang kinagatan.
“Hell cares. Anything new in that hell?”
“Wala naman. Gaya ng dati noong nawala ang haring leon lumabas ang mga kunehong nagpapanggap na tigre. Mga walang kwenta. Pumasok kana ng matigil na ang kahibangan nila. “
“Tss. Then let’s go.”
“Ano? Papasok kana? Himala. May lagnat ka? Hahahaha”
.--
“Hehe, Oppps. “ sabi niya matapos tingnan ko siya ng napakasama.
Si Midnight Yumenai. Isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. Siya lang ang hindi natatakot saken kahit gaano ako kademonyo. Ewan ko nga ba sa isang to. Hindi ko din alam kung bakit ko siya naging kaibigan dahil bukod sa saksakan ng daldal, sagad pa sa kabilang mundo ang pagkabaliw , kahanginan at kayabangan.
Second rank din siya sa pinakamatalino sa eskwelahan KO. Tama. Akin yung school. Kung sino ang una? Fuck! tinatanong pa ba yan? Tss Kayang kaya ko din ikwento ang buong buhay niyang walang kwenta. Ganun ko kakilala si Midnight.
Nakarating kami sa Academy. Sa gate palang madami na ang nagtataka, nagulat ni isa wala natuwa maliban sa mga tangang babae na kulang nalang ay gahasain ako sa kinatatayuan ko ngayon.
Naglakad na kami ni Midnight papasok sa loob. Kasunod ang mga matang kung ano ano ang emosyong mababasa. Pagdating namin sa tapat ng gym. May nagkakagulong mga tao. Kumpol kumpol sila sa gitna na animoy nanunuod ng isang nakakatuwang palabas.
Pero katulad ng dati madalas wala akong pakialam sa lahat nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad ng biglang may tumamang mabigat na bagay sa likod ko.
“What the fuck! Do you want to---Shit!” napamura nalang ako noong makita ko ang kabiyak ng itim na sapatos na tumama sa likod ko.
“Whoahhh. Mali ata kayo ng tinamaan ng sapatos na yan. Gusto niyo bang mamatay agad? Hahahaha” sabi ni Midnight kasunod ang nakakabinging tawang demonyo.
