Hector's POV
Ilang oras nalang flight ko na, pero hindi ko pwedeng iwanan ang proposal na pinadala ng VOYAGE. Binabasa ko ang proposal na binigay saakin ng secretary ng CEO, nang biglang tumunog ang personal phone ko. Siguradong si Ench na naman ito siya lang naman ang nagtetext saakin.
Inayos ko ang reading glass bago binasa ang text niya.
'Kuya its about Ate Yen' yan lang ang nakalagay sa text niya pero agad akong kinabahan, what about her? Ano na naman kaya ang ginawa niya. Dali dali kong hinubad ang salamin ko at hinatak ang suit na nakasabit sa recliner. Paglabas ko ng opisina yumuko agad ang secretary ko."Mr.Carter Cancel my flight and re-schedule all of my meetings today and tomorrow I have to do something personal." tumango siya kahit mukhang naguguluhan dahil di ko naman ugali ang magpa-cancel ng kahit ano.
"Yes sir" tumalikod na ako at patakbong pumasok sa elevator, ngayon nag-sisisi na ako kung bakit sa 19th floor ako nag office. Fuck this elevator ang bagal bagal.
Pag-bukas ng elevator ay tumakbo na ako papuntang parking lot, may sariling parking space ang kotse ko kaya di ako nahirapan hanapin ito. Sumakay ako sa kotse at mabilis na nagdrive papuntang Sweet Savour.
Pagkarating ko sa shop ni Ench nakita kong palabas si Yen at nagmamadaling pumasok sa kotse niya. Problemado siya, I can feel it. Pinagmasdan ko muna kung paano siya bumuntong hininga bago buksan ang pinto ng kotse at pumasok dito, ilang minuto pa ang lumipas at pinaharurot niya na ang kotse niya. Napapailing nalang ako habang tinatanaw ang papalayong Ford. Tsk
Naglakad ako papasok para puntahan si Ench pero natanaw ko si Lev at En. Anong ginagawa ng dalawang ito? Bago pa ko makalapit kumaway na saakin si Lev. Naglakad ako papalapit sa kanila at umupo sa bakanteng upuan.
"What are you two doing here?" I asked looking at them.
"Ench invited us here, why kuya? Di ka ba niya inaya? I thought lahat tayo kasi papadating na rin si-" Di niya na natapos ni Lev ang sasabihin niya ng biglang may pasalpak na naupo sa isang bakanteng bean shape na sofa sa gilid ko.
"Sorry late kakatapos lang kasi ng meeting so ano raw meron?" tanong ni A.D habang kinukuha ang tinidor kay Lev.
"Seriously? What's the meaning of this? Di ako tinawagan ni Ench about this matter. "naguguluhang tanong ko dahil sa hindi naman ako sinabihan ni Ench.
"Call her then." singit ni En.
"A.D call that brat. Now."tumango naman siya bilang pag-sang ayon sa sinabi ko.
Naglakad si A.D papunta sa opisina ni Ench.May sarili kasi siyang office sa shop na ito. Nakakapagtaka talaga kung bakit niya tinawagan ang tatlo para pumunta dito samantalang tungkol kay Yen ang pinunta ko.
After ng ilang minuto natanaw ko na si Ench at A.D na naglalakad papalapit. Nakangiti ng sobrang tamis si Ench at parang nagpapacute upang hindi pagalitan sinuklian ko naman ito ng matalim na titig.
"Ench anong meron?" tanong ko agad pagtapat niya saakin hindi ko na inantay na makaupo siya. Napangiwi naman siyang tumingin saakin pagkatapos ay naupo sa tabi ni Lev.
"Kuya's sorry sa istorbo, lalo na sainyo Kuya Lev, Kuya En at Kuya A.D. Actually si Kuya Hector lang talaga yung dapat na papapuntahin ko pero naisip ko kasi na mas madaming choices mas exciting. Sorry." mahabang paliwanag ni Ench habang nakatingin sa lamesa.
"So balak mo kaming paglaruan?" galit na usal ko habang masama ang tingin sa kanya. Kumapit siya kay Lev bago tumango kahit nakayuko pa rin.
"Kuya hayaan mo na atleast inamin niya naman and dont worry para sayo lang siya." nakangising sabi ni Lev,halatang may pinapahiwatig ang isang ito. Alam nila kung ano ang ginagawa ko at kailanman di sila nakialam.
"Yes Kuya Hector papakilala ko lang naman sila at tinutulungan na kitang mapalapit sa kanya ang bagal mo kasi." sabi ni Ench na may halong panunumbat.Tss sinabi ko di sila nakikialam mali pala ako.
"Kuya Hector nagsasawa na kami sa pagiging torpe mo." natatawang usal ni A.D.
"Ok brat you're forgiven and please don't interfere again. I can handle it. Bye." sabi ko nalang wala naman akong choice.
Naglakad na ako palabas at nag-maneho papunta sa bahay ko. Magpapahinga na muna siguro ako. Na-cancel na lahat ng nasa schedule ko so might as well enjoy it tutal minsan lang naman. Kumuha ako ng whiskey sa bar counter sa kusina at umupo sa bar stool. Whiskey calms me.
Nagsimula akong isipin ang mga nangyari kanina. Siguro nga gusto lang nilang tumulong.
Well torpe ako, alam ko naman yan dahil sa loob ng 4 na taong pagkakakilala ko sakanya di ko manlang siya nakausap, nalapitan o naligawan kahit na gustong-gusto ko siya.
Paano ko naman kasi magagawa yun hindi niya naman ako kilala her sisters know me dahil minsan ko na silang nakasama.
I dont have enough courage to approach her parang napakalayo niya kasi saakin. They say girls drool over me but not her, she doesn't even know that a certain me exist. Naging stalker niya na nga ako. I hired detectives to watch and protect her even from a far but I never dig in on her personal life I just want her to be safe.
Napagpasyahan kong pumunta sa Weekend, bar ng bestfriend ni Chase. Nagbubukas lang ito kapag pumatak ang 8pm pag weekends two hours lang ito open medyo weird nga pero nasa owner naman na yun.
Nang makarating ako sa Weekend bumaba na ako ng kotse bago pumasok sa loob mukhang nag-uumpisa na ang party. May live band na tumutugtog sa stage puro rock lang ang kanta. Malakas ang sound at halatang nagkakasayahan na. Umupo ako sa tapat ng bartender.
"A bottle of Rum here." I said then she nodded. Inabot niya rin saakin agad. High class ang mga tao sa bar na ito. Masasabi kong mga may matataas na katayuan sa buhay ang bawat tao sa paligid.
Inilibot ko ang aking paningin maganda talaga ang pag-mamanage ng Weekend halatang hands-on ang may-ari. Ayon kay Chase walang kahit anong bad rumors or cases ang Weekend dahil sa teacher daw ang owner. Di ko alam kung anong connect non kaya hinayaan ko na.
Habang nililibot ang paningin ko nakita ko ang babaeng may pamilyar na tindig at lakad, although gumegewang ito alam ko na agad na siya nga yun. Marahil ay pumunta siya dito para mag-palipas ng oras o para makalimutan ang problema.
Pinapanuod ko lang ang bawat kilos niya habang sumasayaw sa dance floor. She's a good dancer. Talented and hot my lady indeed.
Sa loob ng mahabang segundo inaliw ko ang aking sarili sa pagtitig sakanya. She's dancing as if it's her life. I can't help but to watch how her waist and hair sway with the music beats. Her eyes are shut. I can cleary see the sweat beads in her forehead and nose.
I walk slowly towards her it's like I'm hypnotized by her dance. The music stop as I stop in front of her. Tumigil din siya sa pag-sayaw at naglakad papunta sa lugar kung nasaan ako. Nakayuko siya, then she bump her bowed head on my chest. I can smell her fragrance. A smell of flowers. I sniffed it unknowingly napapikit pa ako habang inaamoy ang kanyang buhok. Napabalik ako sa reyalidad ng may makabunggo saakin mula sa likod kaya lalo siyang napasubsob sa dibdib ko.
"Sweet? Are you okay?" napatingala siya saakin at tinitigan ako. Fuck her eyes are glowing. She's really gorgeous. Napatulala ulit ako ng ilang sigundo habang nakatingin sa mga mata niya na parang hinihila ako papalapit sa kanya.
Tbc.
BINABASA MO ANG
BS1:Cunning Lady In Sneakers
RandomBizarre Series1:Yen Alverez Date Started:December 21,2017