Yen's POV
Nakapikit ang mga mata ko habang dinadama ang malamig na hangin sa plantasyon. Nakakagaan talaga ito ng pakiramdam, hindi hectic ang schedule ko ngayong araw so I decided to visit TheX kaysa naman titigan ko ang office table ko sa opisina diba? Ang boring kaya. Sakto talaga palagi ang dating ko rito. Ayon sa documents na binigay ni Ms. Lizzy ang super sipag kong secretary na kung hindi mo uutusan ay maghapon lang maglalaro ng online games sa computer ngayon daw ang panahon ng pag-aani ng kape sa dulong bahagi ng plantasyon, pagkatapos ay idideliver na ito sa south upang maiexport.
Actually kakarating ko lang dito sa plantasyon kaninang madaling araw, tinatamad kasi akong bumiyahe kapag umaga mainit pa naman sa Pilipinas. Naghahanda na ako ngayon ng almusal ko tuna sandwich lang ito para madaling dalhin sa taniman. Pagkatapos kong ihanda ang almusal ko ay sumakay na ako sa aking pinakamamahal na sasakyan ang kulay dark blue na Ford Focus RS Mk III tinawaran ko pa ito ay ate Zilch buti nga pumayag siya ng one month to pay 'to mautak pa naman yun lalo na pagdating sa trabaho niya.
Pagkarating ko sa taniman nararamdaman ko na ang kaligayahan. Sinalubong ako ni Tatay Roberto siya ang pinaka leader ng mga nagtatanim dito.
"Magandang umaga Ma'am Yen" sabi niya ng nakangiti, makulit talaga si Mang Roberto.
"Hindi maganda ang umaga ko Tay, tinawag mo na naman po akong Ma'am sabi ko naman po sa inyo na hindi ako teacher, Yen po ang itawag niyo saakin." galit kunwaring sabi ko, tatay na ang tawag ko sakanya kasing edad niya lang naman si papa atsaka malapit na talaga ang loob ko sa mga trabahador ng plantasyon lalo na at isa sila sa dahilan kung bakit kumikita pa rin kami.
"Hahaha pagpasensyahan mo na Yen iha nakalimutan ko lang, siya nga pala ikaw ba ay tutulong ulit sa pag-aani? Diba sabi ko naman sayo iha na may mga trabahador naman na sapat ang planta ninyo?" ayaw talaga nila akong tumutulong sa gawain dito dahil sakto naman daw sila at sayang ang pinapasahod namin.
"Tay naman, bihira na nga lang po ako mapunta rito ayaw niyo pa,and wala po akong magawa sa opisina at nagsasawa na po ako sa panunuod sa sekretarya ko habang nagdodota siya." totoo namang madalang na ako pumunta rito dahil sa busy ako sa pag eexplore.
"Ikaw ang bahala iha, siya halika na at mag-sisimula na kaming mamitas malayo-layo ang lalakarin natin papunta sa dulo, sira kasi ang truk na service namin dahil tumirik ito kahapon wala pa si Z upang ayusin." sanay naman akong maglakad lalo na kung putikan ang daan exciting.
"Si ate Zilch po pala ang mekaniko natin? Wala talagang pinapatawad yun. Nga pala Tay may nadaanan akong ginagawa sa kabilang bakod para saan yun?" iba na kasi ang may-ari niyon kaya nga sa kabila na, maayos naman ang pakikitungo ng may-ari sa amin, ang tanim nila ay mga mais.
"Iyon bang nasa tapat?" tumango ako sa tanong ni ni Tatay Roberto.
"Bahay bakasyunan daw iyon ng senyorito nila balita ko ay kakarating lang mula Estados Unidos at siya na rin ang hahawak ng planta nila." lalaki? Psh boring.
"Ganoon po ba?" tumawa siya at tumango tango.
"Iha kapag lalaki talaga ang usapan nawawala ka sa mood ano? Halika na at mag-lakad na tayo." ayaw ko talaga ng usapang lalaki.
Masaya ako at hindi masasayang ang araw ko. Nag-simula na kaming pumitas, ang ganda talaga ng pagkakatubo ng mga kape rito sa planta. Alagang-alaga nila Tatay Roberto ang mga pananim.
Natapos ang kalahating araw ko sa pamimitas, hanggang tanghali lang ako dahil mainit na sa hapon. Babalik na rin ako sa bahay dahil ilang oras din ang biyahe mula rito.
"Tay aalis na ho ako, ingat po kayo at tawagan niyo po ako pag nagkaroon ng aberya, dadaan na rin po ako kay ate Zilch para ipaalam sakanya ang lagay ng truk, bye po." Kumaway na ako at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
Tatawagan ko nga pala si Ms.Lizzy para sa schedule ko bukas. Kinuha ko ang cellphone at dinial ang numero niya.
"Hello Yen, bakit napatawag ka? Naglalaro pa ako paki bilisan lang" she's my secretary di lang talaga halata.
"Hello din sayo Miss Lizzy, wala akong paki kung naglalaro ka basta i-email mo saakin ang schedule ko para bukas." sana lang nagkaroon ako ng mas matinong secretary, but i can't fire her she's the best sadyang hindi lang kami nagtuturingan bilang tipikal na mag-amo.
"Yen wala namang importanteng meeting bukas, actually ang sched mo buk-Shit napasok na ng kalaban wait lang Yen inaatake kami ng kalaban" Gash!Akala ko ba naka pause na yung laro niya nako nagwawala na ang mga buhok ko sa inis.
"Bilisan mo naman Liz ,sinabi ko na kasi sayo na wag kang mag lalaro pag tumawag ako diba?" naiinis na tugon ko sakanya, well sanay na ako palagi namang ganyan si Lizzy.
"Yen wait lang naman gaganti lang ako." mukhang kailangan ko pang antayin ang sekretarya ko. Kakaiba talaga.
"Ayan tapos, ito na ah tinigil ko na as I was saying ang schedule mo bukas ay mag lagalag pupunta ka sa kung saan man matatagpuan ang coffee shop na ito" nagmamadaling sabi niya.
"Sige salamat sa information" bago ko ibaba ang tawag narinig ko pa siya na sumagot ng "Walang anuman sa istorbo Yen" wala na talagang pag-asa ang babae na 'yon.
May meeting pala ang Bizarre bukas mukhang kailangan ko ng magpahinga siguradong sasabog na naman ako sa kabaliwan bukas. Makikita ko na naman ang mga kapatid ko. Dalawang linggo na rin pala simula noong huli naming meeting.
Ang Bizarre ay isang organization na binubuo ng mga baliw, ako lang ang matino. Well I dont know what exactly is the objective of that organization, but it can make us happy.
Malapit ko ng marating ang bahay ko tahimik na villa ito, actually kapit-bahay ko lang ang mga kasama ko sa Bizarre sadyang busy lang kami sa buhay at trabaho ng bawat isa kaya hindi kami madalas magkita-kita.Pagkapasok ko ng Ford ko sa garahe ay ni-lock ko na ang gate at pumasok sa loob ng bahay inaabot ako ng gabi sa biyahe buti nalang at natripan ko magmaneho kahit na mainit kanina kung hindi ay siguradong nasa rest house pa ako at pag nagkataon hindi ako makaka-punta bukas.
Pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa kusina mag-gagawa nalang ako ng vegetable salad dahil iyon ang pinaka mabilis gawin. Hindi ako nagdadiet sadyang wala lang ako sa mood magluto.Pagkatapos kong hugasan ang mga gulay ay isa isa ko itong hiniwa, nilagay sa glass bowl at naglagay ng dressing. Presto! Tapos na kakain na ako. Habang naglalakad papunta sa salas ay naisipan kong tawagan si ate Zilch.
Makaraan ang dalawang ring ay sinagot niya na ang tawag.
"Yah?" Hindi ko talaga maintindihan madalas ang takbo ng utak nito.
"Ate may sira daw ang truk sa planta, namitas ako ng kape kanina kaya nalaman ko. Pumunta ka agad pag nagkaroon ka ng free time bukas." nakakarinig ako ng ingay sa background.
"Ah sige pupunta ako bukas after ng meet natin." maingay talaga ang background nasaan kaya si ate Zilch?
"Ate bakit maingay dyan? Nasaan ka? Gabi na nasa talyer ka pa?" ang tagal bago sumagot ni ate nakatulog na ata.
"Yen ang ganda ng tunog diba? Nasa bahay na ako, yung nadidinig mong ingay huni yun ng cute na mga manok umorder ako sa poultry ng 15 na manok na kulay white ang cute kasi nila" Oh my Gash!
"What? Ate buti pinayagan ka magdala ng manok sa villa? Ate ibalik mo yang mga manok na iyan o kaya ibenta mo iba nalang ang bilhin mo" sumasakit na ang ulo ko sa stress mula sa paligid ko.
"Isang gabi lang naman bukas ibabalik ko rin sila, pero kung pumayag sana ang modelo na iyon makakasama ko pa sana ng matagal ang mga manok ko." nalulungkot na sabi niya, nako naman.
"Sige ate ibalik mo na yan bukas at sorry sa abala goodnight!" pinatay ko na ang tawag dahil di ko macarry ang ingay ng mga manok niya.
Ang lakas talaga ng tama niya sa utak as if naman papayag si modelo na magtira siya ng manok sa villa.
Pagkatapos kumain ay umakyat na ako sa taas para mag half bath. Nasa kama na ko naka pajama na at handa ng matulog. Nakakapagod ang araw na ito sana naman mas matino na ang mga tao sa paligid bukas ng maging matiwasay naman ang mundo.
Nakakapagod din pala, paglapat ng likod ko sa kama feeling ko hinihigop na ako ng panaginip ko ramdam ko ang pagod sa buong maghapon kong ginawa. Unti unti ng tumiklop ang talukap ng mga mata ko. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako ng mahimbing.
BINABASA MO ANG
BS1:Cunning Lady In Sneakers
De TodoBizarre Series1:Yen Alverez Date Started:December 21,2017