Three

29 5 0
                                    

Yen's POV

       Madaling araw na pero nakadilat pa rin ang mga mata ko, buhay na buhay pa rin ang diwa ko. Hindi ako makatulog dahil sa email na 'yon ang laking problema ang dala saakin.

Actually di naman problema saakin ang lalaki-I mean madaming nanliligaw saakin sobrang dami pero ang problema kasi ayaw ko sa lalaki. Hindi naman ako na broken noong teenage years ko dahil never akong nagboyfriend, I really can't understand myself.
 
    Ang daming lalaki ang nakapaligid at nag-aantay saakin. Kung isa sana sa kanila pwede, tapos ang problema ko, kaya lang hindi. Makakakilala pa kaya ako ng lalaki na hindi ko kaiinisan? Sa tagal ko sa mundo wala pa akong nakikita.
    
     Yung lalaking kaya kong titigan at paulit-ulit na mabanggit sa bawat pupuntahan o kakausapin ko. Makipag-blind date kaya ako sa random guy? Wag pala ang panget ng pagkakakilala namin if ever.

     Isa lang ang pwedeng makatulong saakin ngayon, tatawagan ko nga dali-dali kong dinial ang number ni Ench after ilang ring sinagot niya.

  "Ate Yen, four palang po ng umaga bakit ka tumatawag?" halatang antok pa siya bakit kasi nakalimutan ko ang oras.

  "Sorry Ench ah may problema kasi ako, ikaw lang ang alam kong makakatulong saakin." nagmamakaawang sabi ko desperada na ako makahanap ng lalaki.

"What is it then?" pag seryoso na talaga ang topic niya napapa english.

"Remember the deal? That's a very big problem for me. You know me right? So can you help me?" sana lang may maitulong si Ench ngayon.

"Ate Yen, I'll introduce you to my Kuya's mababait naman sila pili kanalang, Bye." at binabaan niya na ako.

  May apat na kuya nga pala si Ench pero parang di ko ata sila type, well lahat nga pala ng lalaki di ko type.

Nung minsang nagpunta ko sa ancestral house nila sa Tagaytay saktong nandoon ang mga kuya niya. Masusungit ang mukha at pawang mga playboy tindig palang. Pero di ko naman sila nakausap nakita ko lang sa garden. Balita ko rin kasi kay Ench habulin ng babae yung mga kuya niya, gwapo raw kasi. Sana lang may mapala ako sakanila.

       Napagpasyahan kong matulog mag-hapon dahil sa wala akong tulog magdamag pero wala yata talaga sa side ko si luck ngayong araw.

   Bigla kasing tumawag si Ench at sinabing puntahan ko siya sa 'Sweet Savour'. Doon niya raw pinapunta ang mga kuya niya kaya heto ako nagmamadaling magbihis dahil sa baka malate ako sa introduction na ito.

    Nagsuot lang ako ng White highwaist shorts, peach blouse at ang paborito kong sneakers. Nagmadali akong sumakay sa Ford ko at nagdrive na papunta sa shop niya.

     Pagdating ko sa parking lot pinarada ko ang Ford at lumabas ako ng sasakyan tapos ay naglakad papasok.

   Marami laging costumer ang shop ni Ench kaya di na ako magtataka kung crowded ito ngayon.

   Naglakad ako papasok nakita ko agad siya na nakatayo sa tapat ng mesa sa dulo, hindi gaanong matao sa part na iyon. Kumaway siya saakin at sumenyas na lumapit ako, habang naglalakad papalapit nakaramdam agad ako ng kaba. Bakit ako kinakabahan?

   Pagdating ko sa pwesto niya nakita kong may dalawang lalaki ang naka-upo na. Ang isa ay naka three piece suit habang seryosong nakatingin sa cellphone, ang isa naman ay naka black na polo at nakabukas ang unang tatlong butones kumakain lang ito ng cheese cake.

  Naramdaman yata nila ang presensya ko kaya sabay silang tumingin saakin, ngumiwi ako sakanila hindi ko kayang ngumiti. Sumulyap ako kay Ench at sumenyas lang siya na babalik na siya sa kusina bago naglakad paalis kahit di ko pa sinasang-ayunan.

BS1:Cunning Lady In SneakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon