001.

32 0 0
                                    

001. muffins

Inikot ko yung mata ko dito sa court. Ang aga-aga kasi naman pumasok eh. 7.30 pa pasok pero 6.17 andito na kami, yung totoo? Demanding kasi ni inay Atina, kesyo malelate daw kami, kailangan maaga. Parachuta, sobrang aga nga namin eh. Halos kami lang laman ng eskwelahan plus magsyota na kung ano man ang ginagawa sa likod pati yung guard.

Ay alam niyo ba, BUNTIS SI NICOLE! AT SI ADRIAN ANG AMA! Wala lang.

"Oy Athena, ba't naman kasi ang aga pa natin? Tignan mo oh, parang tayo lang ata laman netong eskwelahan na 'to," reklamo ni Sydney. "Alam mo naman na 'di ako morning person eh."

"Eh, ayaw mo yun? Para maaga na? Matulog ka muna jan, gisingin ka na lang namin." Buti naman at pinatulog mo na 'yan Athena. Kanina pa reklamo ng reklamo eh.

Oh by the way highway, na sa Pacifica Prep kami ngayon, orientation kasi. Sa orientation pinapaliwanag yung mga rules sa school at pinapamigay yung mga school rulebook, student id, student card o mas kilalang credit card dito sa school. Mas maganda daw 'yon kesa daw sa pera. Unlimited pa yung laman. Ang saya diba? Malay ko kung saan nila nakukuha laman non eh. Baka mamaya na kung saan nanggaling yun. O__O

Ang boring naman dito. Kinuha ko yung cellphone ko at naglaro pa ng flappy bird ((oo meron pa ako neto. Ano? Inggit ka na? lol jk)). Naka-47 na ako biglang gumalaw si Sydney na na sa tabi ko kaya lagpak si flappy dun sa sumunod na pipe.

"Arghh. Sydney naman eh," sabi ko at ni-lock ang phone ko. Wala naman magagawa. Di din naman ako makapag-internet kasi walang wifi dito sa court na pinag-tatambayan namin. Nakakainis diba? Hayy buhay...

30 minutes na pala ang nakalipas di ko manlang na realize. Tumingin ulit ako sa paligid, medyo padami-dami na rin yun dumadating na estudyante.

"Hi guys! Gusto niyo ng muffins?" alok ni Cherry sa amin. Sinilip ko yung dala niya. Yummeh!

Nakita kong tinaasan siya ng kilay ni Rose. Ayaw niya nga pala sa mga taong hindi nagpapakilala. Pero bakit hindi niya kilala si Cherry? "Sino ka?"

"I'm-"

"Cherry! Tara na!" Tawag sa kanya ni Jun, varsity sa Basketball.. Ay bastos, kita mong may kausap eh.

"Sorry ah. Oh eto, thank you!" Sabay takbo niya paalis.

Ilang minuto ba yung lumipas, doon lang nag-sink in yun sinabi ni Cherry. "Baliw ba yun? Siya nagbigay tapos siya magthe-thank you?"

"Pabayaan mo na Frank, atleast diba? May muffins tayo!" Sabi ni Athena at nagsayaw na parang baliw. Psh...

Binuksan ni Rose yung tupperware at kumuha ng isa, pero muntik na niyang mabitawan yung muffin na hawak niya nang amuyin niya. ??

"Oh Rose? Bakit? Ano meron? Sira? Panis? Ano? SABIHIN MO!!" Hala, sige panic lang inay Atina. Gora lang.

"A-ano kasi, parang g-ganito y-yung ginagawa n-na muffins ni Fo- ng Mom ko," and nag-sly smile siya. I sense something malansa here. Hmmm...

"Oh really? Tikman nga natin," kukuha na sana ako kaso...

"All students, please proceed to the Assembly Hall. The orientation will start in 20 minutes."

"Tara na guys. Gisingin niyo na si Sydney para makapunta na tayo doon at may maupuan pa," at tumayo na siya at kinuha ang bag niya. Excited lang Frank?

Binulungan ko na si Sydney, at ayun nagising na at natakot sakin kaya pinaghahampas niya ako hanggang makapasok kami sa loob ng Hall. Umupo na kami sa may third row at medyo nag-usap. Si Dawn, tahimik pa rin, as always.

-----

"Once again, I'm Cherry de la Paz, your Student Council President, saying I love pizza. You are all dismissed, thank you and au revoir!"

BOOM PEYNS. Lol jk. President pala si Cherry? Di ko nga alam eh, kala ko si James Valdez((varsity sa Soccer)).

Lumabas na kami at naglakad-lakad muna. Tapos na orientation eh. Nilabas ni Rose yung tupperware at binigay kay Sydney.

"Oh Rose, diba sabi mo parang ganyan yung ginagawa sayo ng Mom mo?" Tanong sa kanya ni Frank.

"Ah, oo. K-kasi nostalgia. Yeah, nostalgia." Ayan nanaman siya sa sly smile niya. May something talaga eh.

"Hm? Okay, oh sino may gusto?" Alok ni Sydney.

"Don't mind if I do," at kuha ko ng dalawang piraso.

"Um guys, uwi muna tayo. I'm kinda having a headache." Sabi ni Dawn. Aba himala, nagsalita siya. Lol.

"Sure sure."

At naglakad na kami pauwi habang kumakain ng mga muffins na amoy cinammon pero lasang apple.

Twisted HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon