*Ronnie's POV*
Now, we're on our way to my birthday's venue... Di gaya ng previous birthdays ko, special talaga ang 25th birthday ko.
Bakit?
I made this night exclusive for me and Czarina only.
When I say only, don't get me wrong ha. I'm not into any dark plans for Cza. I respect her because I love her.
And I'm still hoping that she can and she will love me back someday...
so I am willing to wait.
.
.
.
Tatlong beses na niya akong ni-reject. Una, nung high school. Pangalawa at pangatlo, nung college. Pero hindi pa rin ako sumusuko... or should I say, hindi ako susuko?
Inoobserbahan ko siya to see kung may clue na kaya siya sa pupuntahan namin. Malabo ang peripheral view ko kaya hindi ko siya matignan ng maayos kaya nililingon-lingon ko siya while driving.
She seems to be on her normal mood. Tahimik at observant lang sa mga dinadaanan...
"Baka mabangga tayo. Eyes on the road, Bes." alam niya palang tinitignan ko siya.
Bes. I hate hearing that word from her.. Every time na tatawagin niya ko nun, may kirot.
Bes? May tanong sa isip ko na lagi ko lang pinipigil ang sarili kong itanong sa kanya: Czarina, hindi mo na ba talaga ako kayang mahalin ng higit pa?
.
.
.
"Aba, bes. May balak ka bang magpakamatay? Wag mo na akong idamay..." natatawa niyang sabi. Na-realize ko na napatagal ang pagsulyap ko sa kanya. Binawi ko agad ang tingin ko at nagfocus sa manibela.
Andito na kami sa resto ng tito ko and she's starting to notice the different atmosphere. Ito ang pang-apat na beses kong susubukang alamin kung may puwang na ba para sakin sa puso niya.
"Bes, bakit tayo lang ang naka-park? Friday night ngayon at laging puno ang resto ng tito mo during fridays..."
"A-ahm. I don't know either" Hindi ko alam ang isasagot. Kinakabahan ako kung magustuhan niya tong surprise ko sa kanya.
Isn't it ironic? Ako yung may birthday pero ako ang gumawa ng surprise...
Pinuno ko ng mga balloons ang restaurant dahil alam kong mahilig siya diyan simula pa lang nung highschool kami.
Naalala ko pa nung minsan nag-LQ sila ni Kyle, nagpabili siya sa'kin ng lobo at sobrang natuwa siya noon.
I can't forget her sweet smile 5 years ago.
Katulad ng sa mga romantic movies I put some Petals on the floor, candles surrounding our table, at syempre di mawawala ang favorite ni Czarina. Ang music. I know she loves music. Parang buhay na niya yun eh kaya hindi dapat mawala ang music ngayong gabi.
Tinititigan ko siya habang nililibot niya ang kanyang paningin. Kinakabahan ako pero kailangan kong tanungin siya ulet.
Lumuhod ako sa harap niya "I love you so much, Cza. And you know that. I will never leave your side unlike what Kyle did... Just give me the chance to prove it."
Nakatitig pa rin siya sa kin. Kita ko sa mga mata niya na may sasabihin siya pero di niya masabi kaya I continued talking. "Czarina, this is the fourth time I will ask you this... Hindi mo na ba talaga ako kayang mahalin ng higit pa?"
Ibinuka niya ang bibig niya para magsalita pero walang boses na lumalabas.. Lalo akong kinabahan while waiting for her answer...
She cleared her throat and stared straight to my eyes.
"And this will also be the fourth time I will tell you this... I-i'm really s-sorry, Ro-ronnie. I can't."
And then she left... Leaving me empty and broken. Again. For the fourth time.
*Czarina's POV*
Bago pa man kami pumasok ni Ronnie sa restaurant may kutob na ako na magtatapat na naman siya sa'kin. Pero ano ang magagawa ko? I don't love him. He's just a friend for me.
Nung nakita ko yung surpresa niya, I was really touched. Pero, ayokong paasahin yung tao. Mahalaga siya sa'kin kaya ayoko siyang lokohin.
I know na nag-effort siya ng sobra. And I'm sorry for that. Sayang yung mga balloons kanina =__=
"Czarina!" napalingon ako dun sa tumawag ng pangalan ko.
"ano ba bes, tigilan mo na ito. Lalo mo lang sinasak--"
O___O
*pak*
"ANO BA ANG PROBLEMA MO RONNIE?!" marahas kong pinunasan ang labi ko. Ano ba kasi ang nangyayari kay Ronnie? Alam kong hindi niya kayang gawin ang bagay na yun sa'kin pero... bakit niya ako hinalikan?
"I-I'm sorry Cza. Masyado lang talaga kitang mahal"
"Tigilan mo na ako Ronnie. Simula pa noon wala ka ng pag-asa sa'kin at hanggang ngayon wala pa rin. So please, maghanap ka na lang ng ibang babaeng mamahalin mo. Goodbye"
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko dala ang kotse ko kaya no choice ako kundi ang mag-taxi.
Habang naghihintay ako ng taxi may napansin akong nakatitig sa'kin sa kabilang side ng kalsada.
Hindi ko masyadong makita yung mukha niya pero yung tindig at yung katawan niya parang pamilyar sa'kin.
Di ko alam kung nagha-halucinate lang ako o talagang yung lalaking nakatayo sa kabilang kalsada ay yung...
O___O
"kyle..."
....yung lalaking sumira sa puso ko
*to be continued*
BINABASA MO ANG
My First Love's Goodbye
Teen FictionMahirap mahalin ang isang tao ng sobra pa sa iyong sarili. Tulad na lang ni Czarina, siya ang babaeng nagmahal ng sobra kaya nasaktan din siya ng sobra lalo na yung lalaking yun ay ang kanyang 1st love. Limang taon ang nakalipas nung naglandas ulet...