Halos tatlong taon na ang nakalilipas nang makilala ko ang isang simbahan ang isang babaeng minahal ko nang husto.. Nang mga panahong iyon lagi akong nag pupunta sa simbahan sa lugar namin. Tahimik at payapa sa loob niyon, kaya napapadalas ang punta ko roon dahil doon lang ako nakakapag-isip nang malinaw tungkol sa maraming problemang kinakaharap ko noon.
Isang araw, napansin ko ang isang babae roon na parang may dinaramdam.
Hindi ko siya agad nilapitan. Inakala kong meron siyang kasama, pero nalaman kong kami lang palang dalawa ang tao doon sa loob. Lumuhod ako sa kanang bahagi ng simbahan kung saan ko siya natatanaw. Nakita ko siyang umiiyak. Hindi ko napigilan ang aking sarili , bigla ko siyang nilapitan at inabot ko sa kanya ang aking panyo. Tinanggap naman niya iyon at ipinangpahid sa mga luha niya
Nang mahimasmasan ay nakipagkilala ako sa kanya.
"KC," pagpapakilala niya sa akin. Bahagya siyang ngumiti habang nakikipag kamay.
Itinanong ko sa kanya kung meron ba akong maitutulong sa kanya, pero sinabi niyang wala.
maya- maya ay nag paalam na siya.