Hindi ko maipaliwag ang aking sarili, naramdaman kong magaan ang loob ko sa kanya. Hindi pa kasi ako nakakaranas ng ganu'ng pakiramdam, nu'n lang. Bumalik ako sa aking pagdarasal, itinanong ko sa Diyos kung siya na ba yu'ng hinintay kong babae sa buhay ko. Humingi ako ng palatandaan na kung siya 'yung babaeng iyon na makapagdadala ng blue rose ay siya na ang magiging kasagutan sa tanong ko..
Kinabukasan ay bumalik ulit ako sa simbahan, pero wala siya roon. Inisio ko, baka hindi talaga para sa akin si KC. four days later, hindi ko parin siya nakikita. Hindi na ako umasa na darating pa ulit siya. Pero sa ika limang araw dumating si KC. Tiningnan ko kung meron ba siyang dalang blue rose, hindi ko kaagad napansin kaya nawalan ako ng pag-asa. Pero nu'ng papalapit na siya sa akin ay nakita ko na meron nga siyang dala. Inilagay niya ang bulaklak sa paanan ng Virgin Mary. Unti-unting tumulo ang akin luha.
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Kaya bago pa siya makaalis ay lumapit ako sa kanya. Kinamusta ko siya kaagad at tinanong kung okey na siya. Niyaya ko siya mag kape, akala ko nga tatanggihan niya ako pero pumayag naman siya. Doon sa coffee shop, nagkuwentuhan kami ng mga karanasan namin sa buhay. Parang matagal na kaming magkakilala. Hindi man lang kami nailang sa isat-isa. Nagpalitang kami ng cellphone number. Sinabihan ko siya na kung meron siyang kailangan ay tawagan niya lang ako kaagad. At naghiwalay kaming parehong masaya, lalung lalo na ako
