chapter 3

41 1 0
                                    

 

Pagkatapos ng pagtatagpong iyon, naging madalas na ang pagkikita naming ni KC.  Lagi ko siyang inaayang kumain sa labas o magkape o mamasyal at manood ng sine.  Halos gabi gabi rin kaming mag kausap sa telepono. Dumating sa puntong naging malapit ko siyang kaibigan.  Naglalabasan kami ng mga sari sariling problema. Siya lang ang nakakapagpagaan ng mga problemang dinaramdam ko

 

 Inumpisahan ko ang panliligaw ko sa kanya. Hindi naman niya ako tinanggihan.  Dalawang buwan ko siyang niligawan. Sinagot niya ako pagkatapos namin magsimba. Halos napalundag ako sa sobrang tuwa. Naging masaya ang aming pagsasama. Paminsan-minsan, nagtatalo rin kami tungkol sa maliliit na bagay pero naayos rin naman namin kaagad.

 Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nasira ang lahat.

  Na-diagnose siya may sakit na leukemia, Matagal na pala siyang maysakit.  At huli na ang lahat.  Malala na pala siya.  Hindi man lang niya sinabi sa akin ang tunay niyang kalagayan.  Sa katunayan, ako  pa ang huling nakaalam na may sakit na pala siya. Halos gumuho ang mundo ko nang  malaman ko 'yun.  Halos umabsent ako sa pag-aaral para mabantayan ko lang siya.

 

  Makalipas ang dalawang linggo ay nagdesisyon siya na lumabas na lang ng ospital.  Sinundo ko siya sa ospital.  Nagpresinta ako sa mga magulang niya na ako na lang susundo sa kanya.  'yun ang unang pagkakataon na magmamaneho ako para sa kanya. Hiniling niya na huwag ko muna siyang ihatid sa bahay nila,  gusto pa niyang mag-joyride kami.  Kahit daw sa huling pagkakataon ay maranasan niya iyon.  Napaiyak ako pero sabi niya sa'kin, huwag daw akong malungkot.  Tanggap na rin niya na mawawala na siya sa mundong ito.  Kung saan-saan ko siya ipinasyal.

 Nasasaktan ako tuwing nakikita ko siyang nakangiti.  Parang hindi ko matanggap sa sarili ko na anumang saglit ay pwede siyang kunin sa akin.

Hello love, Goodbye loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon