Noong mga oras na 'yun ang tangi kong iniisip ay kung bakit kailangan pa niyang pagdaanan ang bagay na 'yun. Kung bakit siya pa na maraming namang mga masasamang tao sa paligid? Inisip ko rin na sana ay hindi ko na lang siya nakilala. Pero hindi ko pinakita ang tunay kong nararamdaman.
Makalipas ang dalawang araw, isinugod ulit siya sa ospital. umabot pa siya ng hanggang dalawang buwan, malakas daw kasi ang loob niya sabi ng doctor. Nilalabanan niya ang sakit niya at pinipilit pa niyang mabuhay. pero hanggang doon na lang talaga siya.
Dumating ang kinatatakutan kong araw, ang kanyang pag-alis. nasaksihan ko kung paano siya nawala, habang sinasabi niyang mahal na mahal niya ako...
Nagalit ako sa sarili ko.. Wala man lang akong nagawa. Ngunit, unti-unti ko rin natanggap ang kanyang pagkawala sa paglipas ng panahon..
Kahit na wala na siya, hindi ibig sabihin na kakalimutan ko na siya. Mahirap makalimutan ang isang tulad niya. Iisipin ko na lang ang mga magagandang alaala ko sa kanya. Alam ko na masaya na siya ngayon saan man siya naroon.