First Shot

167 8 2
                                    

Alisha Dakota's POV

Nandito ako ngayon sa playground ng subdivision namin. Kasama ko ang mga kaibigan ko. Actually, lahat kaming magkakaibigan dito lang din nakatira.

Yung iba naglalaro sa slide.

Yung iba naman nagdadaldalan.

Ako, nandito lang sa swing. Mahilig kasi ako sa swing. Naalala ko tuloy yung kababata ko.

Nasan na kaya sya ngayon? Tanong ko sa sarili ko.

Dito kami sa swing tumatambay noon. Dito kami umiiyak, tumatawa, at nagbabaliw baliwan.

12 years old na kami nung iniwan nya ako. Wala syang sinabing dahilan. Basta isang araw, bibisitahin ko sana sya kaso wala nang tao sa bahay nila.

Inisip ko rin nuon na siguro hindi nya talaga ako tinuring na kaibigan. Kasi kung kaibigan nya ako, sasabihan nya ako kung aalis sya. Tatanggapin ko naman eh.

Pwede ba Alisha! Tigilan mo na nga yan! Wala ka rin namang mapapala. Tsaka kung nasa magandang kalagayan man sya ngayon, edi mabuti.Wala ng patutunguhan yang iniisip mo. Sabi ko nalang sa sarili ko.

Uyy Ali! Halika na! Punta daw tayo sa mall. Girl bonding. Sabi ni Dyna. Kaya inayos ko nalang ying sarili ko.

Viel Marco Raen's POV

At last! After how many years, naka kabalik din ako sa lugar na 'to.

Ilang years na nga ba pre? Tanong sa'kin ni Danny tapos umakbay.

Wait. 21 na ako ngayon so, 9 years din.

Matagal-tagal na rin eh no? Oo nga. Ang tagal na. Kumusta na kaya sya?

Sige pre, tawagin ko muna sila manong para maakyat na yung mga gamit mo sa taas. Sabi ni Danny

Sige. Gala muna ako ha? Namiss ko 'tong lugar na 'to eh.

Sige. Basta mag ingat ka.

Alisha Dakota's POV

Napagod ako sa kakaikot sa MOA. Wala. Ikot lang kami ng ikot. Wala rin naman kaming binili. Poor ang mga lola ngayon eh. Summer kasi. Walang baon. Tsk! ::>_<::

Ma, punta lang po ako sa playground. Pagpapaalam ko kay mama.

Ikaw talagang bata ka! Kakarating mo lang eh aalis ka na naman.

Sige na ma. Tapos niyakap ko si mama. Para paraan yan eh.XD

Sandali lang naman po ako eh.Please.. Tapos nagpuppy eyes ako. Kaya ayun. Walang nagawa si mama.

Oh sya, sige! basta balik agad ha. Tsaka magbihis ka nga muna. Ang baho baho mo nang bata ka. Parang hindi ka babae. Hala sige, akyat at maligo ka muna! Ang baho mo.

Sus, si mama. Kala mo naman naligo na. Kukurutin na sana ni mama ying singit ko kaya lang tumakbo agad ako.

Hahaha,sige po ma. Ligo na po ako. hihihi. *^▁^*

Mabilis lang akong naligo.Naggbihis agad ako pagkatapos pumunta na ako sa playground. Ewan ko ba. Parang gustong gusto kong pumunta ng playground ngayon tas umupo dun sa swing. Siguro kasi masarap ang hangin.

Naglalakad lang ako papunta sa playground kaso napahinto ako sa nakita ko.

Yung SWING....

Sira na...

Yung mga chains nya, putol-putol na yas yung upuan natanggal na.

Anong nangyari? Bkit nagkaganito 'to?

Ilang minuto na ang nakalipas. Sinubukan kong ayusin yung swing kaso di naman ako marunong. Tsaka wala din akong gamit.

You need help? Tanong Sakin nung pamilyar na boses.

Iniangat ko yung ulo ko para malaman kung sino yung nagsalita. At laking gulat ko nalang ng makita ko si Viel.

Hindi ako makapaniwala...

Ilang taon ko syang hinintay. At ngayon ay yakap yakap ko na sya.

Hindi talaga ako makapaniwala. Ang kababata ko.. Ngayon ay nasa harapan ko at nakatawa.

Wooaahh! Easy lang Lish. Wow. LISH. Sya lang ang tumatawag sakin ng ganyan.

Masyado mo ata akong namiss? Oo, masyadong masyado.

Tss.. Alam mo bang ilang taon kitang hinintay, ha?! Ilang taon na akong pabalik balik dito.Hoping na makikita kita dito someday. Mangiyak ngiyak na ako habang nagsasalita.

Pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Ayun, bumitaw din ang mga luha ko.

Hinila nya ako papalapit sa kanya at niyakap nya ako.

Ssshhh.. Wag ka nang umiyak. Nandito na ako oh! Stop na.

(P.S. Kung babasahin nyo 'to na part, make sure na nakikinig kayo ng "Scared to death by KZ Tandingan" Mas mafefeel nyo kung duon kayo sa chorus banda habang binabasa nyo dito na part, pababa.Yun lang 0^◇^0)/)

** Ilang buwan na ang nakaraan simula nung nagkita kami ni Viel. Akala ko habang buhay na kami pwedeng magkasama.Maging masaya. Pero panandalian lang pala.

Nandito ako ngayon sa labas ng ER. Hindi ako mapakali. Hindi ko parin lubos na maisip na may sakit pala si Viel. All this time, may sakit pala sya pero wala man lang syang sinabi saken.

Nasaan ang pamilya ng pasyente? Tanong ng doktor na kalalabas lang ng ER.

Doc, kumusta po yung anak ko? Doc please iligtas nyo po sya. Mangiyak ngiyak na sabi ng mama ni Viel. Hinimas himas ko nalang yung likod ni tita.

I'm sorry to say this. But he didin't survive. Nanigas nalang ako sa narinig ko.

Akala ko ba wang iwanan? Bakit ganun? Bakit parati nya nalang akong iniiwan?

Masyado ng malala na ang kalagayan nya. Dapat nuon pa lang eh pinaospital nyo na sya. Walana kaming magagawa maam. Mismong katawan nya na po yung bumigay. Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak.

Umiyak ng umiyak...

-------------

Hey there! *^▁^* Wala eh. Ganyan yung naisip kong ending eh.XD pasensya na. Y(^_^)Y Sana nagustuhan nyo parin. :)) Salamat sa pagbabasa.

May part 2 po yan so, TWO SHOTS po sya. XD

SWING (Two Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon