Napapaaga na naman ang ingay sa lansangan
Walang tigil na naman ang pagharurot ng mga sasakyan sa madaling araw
Kumakapal na naman ang bilang ng tao sa loob at labas ng simbahan
Lumalakas na naman ang benta ng mga kakanin lalo na ng bibingka
Napupuno na naman ng saya ang mundo pagsapit ng paskoNgunit ayoko nang maalala ang mga araw ng simbang gabi
Gusto ng makalimutan ang kumpas ng mga sikat na kantang pang-caroling
Ayoko nang pagmasdan ang pagkutitap ng mga makukulay na parol sa kalsada
Gusto ko nang mawala sa'king ala-ala ang mga tahanang lagi na lang "patawad" ang sinasambit sa ilang ulit naming pangangaroling
Ayoko na ng lasa ng mga kakanin sa tabi ng simbahan
Gusto ko nang kalimutan ang mga agaw atensyon na disenyo sa parke
Ayoko nang pakinggan ang ingay ng mga tahanan pagsabit ng pinakamakabuluhang araw sa kasaysayan
Gusto ko nang malimot ang paskoSimbang gabi na naging simba ng pakikipaglandi
Ayoko nang maalala ang mga araw ng simbang gabing
Kasama ang mga taong hindi naman pinakinggan ang mga sinasabi ng pari
Dahil abalang-abala sa kasama nilang nangingiliti
Puro na lang landian ang ginagawa sa loob at labas simbahan
Ginamit pa ang May likha para makalabas ng tahanan
Hindi man lang nahiya na nasa harap sila ng Ama na dapat ay ginagalang dahil Siya'y tunay na dakilaGusto ng makalimutan ang kumpas ng mga sikat na kantang pang-caroling
Hindi dahil sa mga sintunadong boses ng mga mangangaroling
At wala sa tiyempo nilang paghampas ng tambol
Kung hindi dahil ang mga kantang sumasariwa sa pasko'y nawawalan na ng saysay
Kinakanta na lang kahit hindi maintindihan ang mensaheng inilaan
Kumukupas na ang halag ng mga kantang bumubuhay sa pasko ng pilipinoAyoko nang pagmasdan ang pagkutitap ng mga makukulay na parol sa kalsada
Kung ito'y kasangkapan lamang para may ma-i-post ang iba sa social media
Kung hindi na matangkilik ang tiyaga ng mga manggagawang
Binubuhos lahat ng kanilang panahon para makabuo ng magagandang parol
Ayoko nang makita ang pagkutitap nito
Kung tanging naalala mo ang pagkinang ng kanyang mga matang ngayo'y nilisan ka na
Kung ang kinang na ito'y hindi mo makita sa tahanan nang lumikha
Ayoko nang makitang muli itoGusto ko nang mawala sa'king ala-ala ang mga tahanang lagi na lang "patawad" ang sinasambit sa ilang ulit naming pangangaroling
Dahil ayokong masaktan sa ideya na mayroong mga batang umaasa sa kita ng kanilang pagkanta
Kakaunting barya na hindi alam ng iba'y nagpipinta ng ngiti sa kanilang mukha
Ang bawat "patawad" ay parang paghingi ng tawad sa pagkakaroon ng mas marangyang buhay
Kaysa sa mga batang ilang ulit kumakatok sa inyong puso't tahananAyoko na ng lasa ng mga kakanin sa tabi ng simbahan
Na minsang naging kasing pait ng iyong nagdaang pagmamahalan
Mga simpleng kakanin na naging tuon ng inyong mga ala-ala ng pagsisimba
Pagsisimba na dapat ay tungkol sa Kanya
Ang papurihan Siya't dakilain sa papalapit na araw ng Kanyang kapanganakan
Pero ni minsan hindi mo Siya naalala sa lasa ng kakaning itinitinda
Hindi mo naalala kung bakit sa mga panahong ito'y patok itong paninda
Dahil nakatuon ang 'yong panlasa sa inyong mga ala-ala ng pag-ibig
Na hindi na muli pang mababalikanGusto ko nang kalimutan ang mga agaw atensyon na disenyo sa parke
Na naging mitsya nang pagsisinungaling mo sa ina
Kunyari pang nagagandahan sa mga disenyo
Pero ni minsan hindi mo nilingon ang mga ito
Dahil sa mga mata nya nakatutok ang paningin mo
Para bang nagayuma ka na niya at hindi mo na kayang makawala
'Yong mga araw na inilaan mo sa mga mata niya
Nilingon mo man lang sana sa paligid mong puno ng ligaya
Nasaksihan mo sana ang mga ngiting tanging sa pasko lang nasisilayan
'Yong saya na dulot ng Kanyang kapanganakan
Nasaksihan mo sana 'yong patuloy na namumuhay na tradisyon
Ng mga mamamayang 'di nililimot ang diwa ng kapaskuhanAyoko nang pakinggan ang ingay ng mga tahanan pagsabit ng pinakamakabuluhang araw sa kasaysayan
Kung ang pagsasalo'y nakasentro lang sa mga pagkaing nakahanda sa mesa
Kung mga regalo lang ang inaasahan
Kung ang tanging inaalala ang pamasko mula kay Santa
Ano pang saysay nito sa kasaysayang nililimot nyo na?Gusto ko nang malimot ang pasko
Kung hindi na sa'yo mahalaga ang mensahe ng simbahan
Kung ang mga kantang pang-caroling ay 'di na sinasariwa ang ala-ala ng Ama
Kung ang kinang ng mga parol ay para na lang sa instagram
Gusto ko ng malimot ang pasko
Kung may mga batang gustong kumita sa pagkanta dahil sila'y hirap na
Kung pati sa kakanin 'yong nang-iwan sa'yo ang naaalala mo
Kung hindi mo lang makita ang ganda ng paligid sa kapaskuhanMas gugustuhin kong makalimot sa iba't ibang ideya ng kapaskuhang
'Di nakasentro sa Kanya ang pagsasalo't handaan
Dahil tuluyan ng nilimot ang diwa ng araw na binigyan Siyang buhay
Upang mailigtas tayo sa ating mga kasalanan
Limutin ko man ang inyong mga gawi sa kapaskuhan
Ngunit kailanman hindi ko makakalimutan ang Kanyang pangalan