CHAPTER 3

43.1K 383 4
                                    

"Hoy besh bat na late ka? Himala at na late ka ngayon?" sabi ng kaibigan niyang si millan kasama na naman nito ang kanyang boyfriend na si rapy.

Nag lleave in na ang dalawa na ito ngunit hindi pa nasasabi ng bestfriend niyang si millan kung may balak pa ba itong pakasalan ni rapy.

"Ahhmm... A-ano kasi.... Besh..... Ahmm... May ginawa lang ako kagabi kaya ayun anong oras na ako nakatulog. Kaya tinanghali ako ng gising. Oo besh..... Ayun... Hehe!" sabi lang ni mira sabay kamot sa batok niya.

Nag kwentuhan pa sila ng ilang sandali at umalis na din ang dalawa may date pa daw kasi sila ni rapy.

"Miss Mira tawag po kayo ni sir!" sabi ng secretary ni gery kay mira.

Naka taas pa ang kilay nito na akala mo siya si madam seniora.

"Aba't ewan ko nga kung bakit ikaw pa ang napiling pakasalan ni sir. Mas maganda kung si Miss Urika ang naka tuluyan ni sir mas bagay pa sila." pabulong na sabi pa nito pero rinig din naman ni mira.

Oo! Alam na sa companya na ikinasal sila. Ewan niya ba at bakit nasaktan siya sa narinig sa secretary ni gery tila tinutusok ang puso niya ng madaming karayom sa kirot nito.

Oo! Inaamin na niya na MAHAL NA niya si gery.

Sa hinaba haba ba naman ng panahon na si gery ang na kasama talagang mahuhulog ang loob niya dito kahit na masama ang pag trato nito sakanya dati. Hindi niya nga alam kung bakit ba naman sa dinamidami ng lalaki kay gery pa tumibok ang puso niya.

Tsaka hindi naman siya mag seselos at masasaktan ng ganito kung hindi di ba?

Nang nasa tapat na sila ng office ni gery ay pumasok na agad si mira. Ni hindi na nga siya kumatok at agad na lang binuksan ang pinto.

Pero ganon na lang ang pag kabigla niya ng makita niyang may kahalikan si gery na babae.

Matangkad at mala porselana ang kutis.

Nahuhubog din ang katawan nito sa suot na fitted dress . Sa tingin niya ay maganda ito at mayaman din. Ng na patingin si gery sa kanya ay biglang nanlaki ang mga mata nito.

Bago pa siya maabutan ni gery ay tumakbo na agad siya palabas ng office nito...

My Husband Is A Maniac [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon