CHAPTER 8.2

29.6K 289 1
                                    

Bumaba na siya kasama si carl isa sa mga pinsan ni gery.

"Nga pala nasan na sila mama at papa? Umalis na ba sila?" tanong nito kay carl na nakatingin sakanya.

Ang tinatanong niyang umalis na ba ay ang mga magulang ni gery.

"Ahh, oo sabi nila may aasikasuhin pa daw sila sa Manila kaya hindi na muna daw sila mag tatagal dito." sagot naman ni carl.

"Ahhh kaya pala hindi ko na sila nakita pag katapos ng party" sabi na lamang ni mira.

Ng makababa na sila ay nakahanda na ang mga pag kain sa lamesa. Mukhang sila na lang yata ang inaantay sa hapag.

"Goodmorning" masayang sabi ni mira.

Tumingin pa siya sa lahat na nandoon at nginitian niya. Pero ng napatingin siya sa gawi kung saan sila gery at si ella (yuh babaeng nag hahanap kay gery) ay napawi na lang bigla ang sigla at ang ngiting naka paskil kani-kanina lang sa pisngi ni mira.

Paano ba naman kasi nag tatawanan ang dalawa habang nag uusap. At pinahiran pa ng babae ang duming nasa mukha ni gery.

Hindi alam ni mira kung bakit nag tutubig ang gilid ng kanyang mga mata. Nasasaktan siya sa mga nakikita niya.

Sa mga inaasta ni gery. Nung mga nakaraang araw ang saya pa lamang nila pero bakit tila nasisira na ngayon? May ginawa ba siyang mali para gantuhin siya ni gery? Nabigla na lamang siya ng hawakan ni carl ang kamay niya.

Bigla naman siyang napatingin sa gawi nila gery. Ang sama ng tingin sakanya nito kaya naman naiwaksi niya ang kamay ni carl. Napakagat labi na lang siya ng makita ang reaction sa mukha ni carl.

Ayaw man niya gawin pero kailangan dahil mali ang ginagawa nito may, asawa na siya. 'Bakit? hindi ba mali din naman ang ginagawa ni gery? nakikipag landian siya sa iba sa harap mo pa mismo?' sigaw ng kanyang isip.

Isinawalang bahala na lamang niya ang sinasabi ng kanyang isip. Umupo na siya sa tabi ni mark na isa rim sa pinsan ng mag kapatid.

Tahimik ang lahat at nag mamasid sa pagitan nilang apat. Parang nanunuod lang ang mga ito ng drama pero hindi sa TV kundi LIVE na palabas.

Carl Vs. Gery
Mira Vs. Ella

My Husband Is A Maniac [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon