"Tita, are you out of your mind?" Napamangha si Quinn Llorente sa kaniyang ninang. Ito rin ang abogada ng kompanya ng kaniyang ama.
Napakislot ng mukha ang bente y singko anyos na dalaga. Nakatingin siya kay Tita Olive bago niya muling sinulyapan ang dalawang malalaking larawan ng isang mestisuhing lalaki. Maganda ang medyo deep-set na mga mata nito. Matangos ang ilong nito. Medyo makakapal ang mga kilay na tila inukit ng isang iskulptor. Maganda rin ang hugis at kulay ng mga labi nitong tila mapapatakam ang sinumang makakatunghay rito. Mukhang maingat at maalaga ito sa sarili. Malapad ang mga balikat at maganda ang katawan sa suot nitong three-piece suit sa isang larawan at kaswal na polo shirt at jeans naman sa isa. Sa madaling salita, napakagandang lalaki nito.
Binigyan siya ng isang medyo alanganing ngiti ng medyo may edad na ninang na maganda pa rin. Mukha rin itong dalaga sa edad nito. Pero may anak na itong teenager na nag-aaral sa Australia.
Humakbang palapit sa kaniya si Tita Olive. Samantalang siya ay hindi gumalaw sa kaniyang kinauupuang swivel chair sa likod ng mahogany na desk dito sa loob ng opisina niya.
"Why not? Seducing a handsome man can't be that bad. Isa pa, para ito sa kompanya mong iniwan sa 'yo ng mga magulang mo."
Napamaang siya sa kaniyang narinig. 'The whole thing is totally insane!' sigaw ng isipan niya. Bakit naman niya gagawin 'yon? Subsidiary na kung subsidiary ang labas ng kompanya. Hinding-hindi niya gagawin ang sinasabi ng kaniyang ninang at adviser. Ano ba naman kasing klaseng payo ito?
"Look, Quinn. I just want to help. That's why I proposed this idea. Kapag makipag-partner sa 'yo ang Navarro Textiles na mas malaki pa sa atin, hindi ka magiging lugi sa darating na araw. Ang mga tauhan mo ay hindi mawawalan ng trabaho. At ikaw, hindi ka mawawalan ng kapangyarihan sa kompanya. Ang L Sports Wear na linya ay hindi mawawala nang parang bula. Pinaghirapan ito ng mga magulang mong itaguyod ng mahigit sampung taon!"
Napailing naman siya. "Tita, it's still out of the question! May initial agreement na ang Navarro Textiles at ang L Sports Wear even before I stepped in as its president a couple years ago. Hindi mo na mababago ang usapang 'yon."
"That's right. That's why, we're going to try and make another agreement. Mag-e-expire ang agreement na 'yon in less than a year. Ang gusto ko lang mangyari ay magiging partners na ang dalawang kompanya at hindi isang subsidiary na contractual naman."
"L Sports Wear can't live without Navarro Textiles, Tita. I'm telling you—" protesta sana niya.
Umiling naman ito. "No, not necessarily."
Napabuntong-hininga siya. "Tita, what do you mean?"
"If you're successful in seducing him, I'm sure that as the CEO of Navarro Textiles, he'll do anything you ask. At doon na papasok ang bagong L Sports Wear and Navarro Textiles agreement." Napangiti ito sa kaniya. "At isipin mo na lang ang kinabukasan ng mga empleyado mo. Sa malao't hindi, mawawalan sila ng trabaho. What if the agreement expired and Navarro Textiles refused to renew it? As you said, L Sports Wear will die. Your company is running because of the funding of the mother company. Wala tayong sapat na pondo para lumutang o tumayo nang mag-isa. Dapat may kapit pa rin tayo. You know the reason why and you know the cause of it." Sabay kibit nito ng balikat.
Napabuntong-hininga naman siya. "So, what about my future?"
Inikot nito ang mga mata. "It will be set in stone once you succeeded."
"I don't like it... even one bit! I don't think he's going to even look at me!"
Para sa kaniya ay ordinaryo lang ang kaniyang 'itsura. Medyo diamond ang porma ng kaniyang mukha. Bilugan ang kaniyang mga mata, hindi masyadong malalantik na pilik-mata, pinagandang porma na mga kilay gamit ang lapis nang dahil sa manipis ang mga ito, maliit na ilong na hindi masyadong katangusan at makipot na labi. Maputla siya kapag walang lipstick na gamit. At hindi naman siya katangkaran sa five feet and two inches. At slim siyang walang maipagmamalaking boobs. Siguro ang tanging naa-appreciate niya sa kaniyang sarili ay ang kaniyang makinis at maputing balat. Ayaw na niyang isipin ang medyo kalakihang nunal niya sa kaliwang balikat na siyang trademark sa pagkatao niya. Kaya nga naman ay never siyang sumubok na mag-spaghetti sa publiko dahil nahihiya siya roon.
BINABASA MO ANG
Handsome Bastard (to be released exclusively on Nobelista)
RomanceTo be revamped! Plano nilang mag-ninang na akitin ni Quinn si Cameron upang ibangon ang kompanyang iniwan sa kaniya ng mga magulang. Subalit kabaligtaran ang nangyari. Kung kaya naman ay nagkaroon sila ng one-night stand ng lalaki. Dahil dito ay nal...