Chapter 7

2.6K 51 0
                                    

Na-shock si Quinn nang makita ang isang pambihirang bulaklak. Ang jade vine na in-arrange bilang bouquet. Nakalagay ito sa ibabaw ng kaniyang desk sa umagang iyon ng Lunes.

Dumating naman ang kaniyang boss. "You like it?"

Napakiling siyang medyo ng kaniyang ulo. "This is from you?"

Ngumiti at kumindat ito sa kaniya na siyang nagpahinto saglit ng kaniyang puso. Saka bumilis ang tibok niyon. Napasunod siya ng tingin rito nang pumasok na ito sa opisina nito.

Napasapo siya sa kaniyang dibdib. Nalilito. "Why is he doing this?" usal niya sa sariling napatingin sa bulaklak.

Umupo siya sa kaniyang swivel chair. Pinilit na lang niyang huwag isipin ang bigay nitong bulaklak. Ilang oras ang nakalipas ay narinig pa niya ang sigaw nito sa ilang empleyado. Masungit talaga ito. Napakaistrikto.

Nakita niyang umiiyak ang isang supervisor na lumabas ng opisina ng lalaki. Inaalo naman ito ng isa pang kasamahan. Pagkatapos ay nakita niyang lumabas ang binata sa opisina nitong nakapamaywang. Nakatingin nang derecho sa kaniya.

Kinabahan tuloy siya sa titig nito. Pero hindi ito nagsalita at hindi rin siya nito tinawag. Sa halip ay nakatitig lang ito sa kaniya ng ilang saglit bago nagkulong muli sa loob ng opisina nito. Hindi niya ito maintindihan talaga. Kaya ang seducing part na mission ay sigurado siyang hindi niya magagawa kahit naisin o subukan pa niya.

Bumalik na lang siya sa kaniyang trabaho. Ilang sandali pa ay narinig niya ang Skype message na tunog. Binuksan niya iyon sa kaniyang laptop. Hindi naman siya makikita ng lalaki.

"Can I talk to you right now?" Iyon ang mensahe ni Cameron sa kaniya.

Napapaisip siya. Invisible naman ang status niya. Kaya hindi nito alam na online siya.

"It's about L Sports Wear," dagdag na mensahe nito.

Napakagat-labi siya. Napatingin siyang muli sa nakasarado nitong pinto at saka naisip niyang makipag-chat na lang dito. Kaya nag-online siya sa kaniyang status.

"Ano'ng tungkol doon? Naka-decide ka na ba, Mr. Navarro?" reply niya.

"I still have a lot of things to consider."

Napabuntong-hininga siya. 'Walang pagbabago,' sa loob-loob niya.

"Tell me about your bracelet and necklace."

Napakurap-kurap siya sa kaniyang mga mata nang mabasa iyon. Naalala pa niyang nawala ang kuwintas at tanging ang bracelet na lang ang naiwan sa kaniya. Hanggang ngayon ay hindi siya tinawagan ng taga-hotel para sabihin sa kaniya ang tungkol sa nawawala niyang kuwintas. Ninakaw na nga siguro iyon ng tagalinis doon.

Napahugot siya ng malalim na hininga. "Bakit mo naitanong?" usisa niya rito.

"I think they're unique," sagot naman nito.

Napabuntong-hininga siya. "You're right. Customized ang mga iyon. Pinagawa ng mga magulang ko para sa 'kin. Isang Science teacher ang Mama ko. Mahilig siya noong mag-aral sa mga planeta. Gusto niya ang Venus at ang twin planet na Earth. Kaya nga naman Venus ang kaliwang mata ng dragon at Earth naman ang nasa kanan."

"But why the dragon?" kuryusong tanong nito.

"May dugong Intsik ang Papa ko. Gusto niya ang mga istorya noon ng dragons ng mga Lola at Lolo niya. Kaya naging kombinasyon ang kuwintas at bracelet ng mga bagay na mahal ng mga magulang ko."

"At mahal ka nila."

Napatitig siya sa mga salitang iyon sa screen. Bigla na lang siyang napaluha habang naaalala ang mga magulang. Kumuha siya ng tissue sa box na nakapatong sa kaniyang mesa. Bigla namang bumukas ang pinto ng opisina ng lalaki. Ngali-ngali siyang nagpahid ng mga mata at nag-exit sa Skype. Saktong dumating ito nang maka-exit na siya at sumilip ito sa kaniyang laptop bago ito muling bumaling sa kaniya.

Handsome Bastard (to be released exclusively on Nobelista)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon