Chapter 8

2.6K 59 4
                                    

Base sa sinabi ni Quinn ay hindi pumayag ang kaniyang Tita Olive.

"Kung nanliligaw siya sa 'yo ngayon, let's take it as our advantage without revealing your cover."

"My charade. Not cover, Tita," pagtatama niya.

"Whatever. So, from there... we'll see what he's going to do with you and your relationship."

Napamaang siya. Hindi siya makapaniwala sa narinig. At sa kabila ng lahat ay sumasang-ayon naman siya rito. Wala rin naman kasi siyang lakas ng loob na umamin. Wala siyang lakas na loob na pumasok na lang muli sa opisina nito at sasabihin ritong "Look, Mr. Navarro you're right. I'm the Quinn Llorente you were with that night at the hotel." Ang awkward naman kasi at hindi niya rin alam kung anong mga salitang dapat gagamitin. Hindi pa niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito kapag aamin na siya. Hindi rin niya alam kung ano ang magiging epekto niyon para sa L Sports Wear. May iba pa naman siyang plano para rito. Gusto niyang mag-branch out sa branding area. Hindi lang mga kasuotan para sa mga athletes katulad ng swimsuits, swimming trunks, jerseys, shorts, socks at caps kundi ay perfume din para sa mga sports-minded. Iyon na sana ang gagawin nila ng ama kung hindi nadisgrasya ito at mawala ang pang-capital nila para sa project na iyon.

Tinapos na lang niya ang usapan nilang mag-ninang at bumalik sa kaniyang trabaho. Pero sa pagitan niyon ay ang pagbagabag ng kaniyang konsensiya sa kaniyang ginagawang ito.

"I'm going to have dinner with Mr. Suarez tonight. You have to come with me," sabi ng lalaki sa intercom pagkatapos nitong makausap ang isang kliyente.

"Yes, Sir," sagot na lang niya.

"Next Friday, set a meeting with Miss Llorente of L Sports Wear, Atty. Mantico, Val and Mitchell. Either sa conference room dito sa office building o sa isang restoran. You decide."

"Po?"

"Why? What's the matter?"

"N-nakausap mo na si Miss Llorente tungkol sa meeting?"

"Yes. Just now."

Napanganga siya nang dahil dito. Sa pagkakaalam niya, wala silang pinag-usapan. Kahit sa Skype.

"Teka, is this some kind of a trap?" nausal niya sa sarili. Napasapo siya sa kaniyang dibdib.

"Oh, and in case the others are going to ask, tell them it's about the new agreement with L Sports Wear. That's the agenda," pahabol nitong sabi sa intercom.

Halos mapalundag siya nang dahil sa pagkagulat.

"Y-yes, Sir," nasabi na lang niya. Hindi niya talaga mahulaan kung ano ang plano nito o ang susunod nitong hakbang. Palagi na lang siyang nasosorpresa. Isa na doon ang mga bulaklak at regalong natanggap niya. Ngayon naman ay ang meeting na ito.

***

Pagkatapos makausap ni Cameron si Val sa cell phone ukol sa impormasyong hiningi niya ay napangisi siya sa sarili. Kaya naman ay kinausap niya ang dalaga sa intercom ukol sa dalawang meeting na iyon. Sigurado siyang nalilito na ngayon ang dalaga dahil sa pina-set niyang meeting. At mamayang gabi ay mas masosorpresa pa ito kapag nalaman nitong sila lang dalawa ang mag-di-dinner.

He was enjoying this game. And, he was going to beat her in her own game. Nananabik na siya sa makita ang reaksyon sa mukha nito mamayang gabi.

"Sa... hotel restaurant natin i-mi-meet si Mr. Suarez?" naitanong ng dalaga nang ipinarada na niya sa parking lot ng hotel ang kotseng dala.

Sinulyapan niya ito. Nababasa niya ang tila alanganin nitong tingin sa hotel. 'Why won't she?' saad ng isipan niyang natutuwa. Doon kasi sila unang nagkita nito. At sinadya niyang dito sila magpunta ngayong gabi na ito.

Handsome Bastard (to be released exclusively on Nobelista)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon