AFTER

3 0 0
                                    

Pagkatapos talaga ng nangyari sa amin,laki ng epekto noon sa akin. Feeling ko may nawala sa akin na hindi ko na maibabalik yun ay ang aking pag--

Hindi ko na natapos ang aking pagiisip ng dumating si kuya. Hindi ko alam kung paano ko to sasabihin sa kanila. Pero sa ngayon,ako muna makakaalam. Sa kaibigan ko muna sasabihin.
Natinag lang ako sa pagmumuni-muni ng batukan ako ng kuya ko. Hayssst.
~SCHOOL~
Feeling ko di ako makapasok sa room kasi nahihiya talaga ko sa kanya. Hay,ano ba yan? Kaya ko to. Di ako susuko. Nega ko naman.

Pagtapak ko sa may pintuan,narinig ko agad yung mga bulungan nila tungkol sa akin.
Lalo na yung  THE REVENGE SQUAD. Hindi sa pangiinsulto pero hindi din naman talaga sila kagandahan,mayayaman lang talaga sila. Sila pala sina Nicole Dy,Kim Chui,at ang kanilang leader na si Jessica Lee. Lahat sila salbahe at isa na ko sa binubully nila maghapon. Para lang akong basurahan sa kanila. Lagi ako ang tapunan ng tsismis. Nakakainis talaga,pero di ko na sila pinansin. Hayaan ko na lang.

At natigilan lang ako ng tumingin si  Vincent dito ng nakangiti at parang nanunukso pa. Feeling ko tuloy sasabog na ko dito,pulang-pula na siguro yung mukha ko eh. Hay naku talaga.

Pero di ko na siya pinansin. Umupo na lang ako doon sa dulo kong upuan. Mas tahimik pa doon kaysa sa gitna. Nandoon kasi ang THE REVENGE SQUAD .

Finocus ko na lang ang sarili ko sa libro ko sa Mathematics. Nireview ko na lang mga dapat kong gawin kaysa tumunganga diyan at walang gawin.

Hi,sabi ni Vincent ng may mababang tono.
H-hello,nahihiya kong sabi. Uy princess umayos ka nga. Sabi ko sa sarili ko.
Ayos ka lang? Tanong niya
Oo naman. Ayos na ayos,pagpapanggap ko.
So,pwede na ulit? Sabi niya ng natatawa na siya ko namang ikinagulat. Pulang pula na ako sa kahihiyan. My god!!!
A-ang alin? Dont tell me yung a--. Naputol ang pagdada ko ng sumingit agad siya.
Napaka greenminded mo naman. Aayain lang kita sa Mall sa labas para kumain., Sabi niya.
Ahhh. Sorry, pagpapakumbaba ko naman sa kaniya.

Naputol usapan namin ng dumating si Proffesor.Pero nagsabi pa rin siya na tuloy daw kami mamayang 7:30. Pero sabi ko papaalam muna ko sa parents ko. Buti na lang pumayag siya.

Aral...Aral.....Aral..... Sa wakas nag bell na. Nakakatamad ang Math namin ngayon ah. Ano ba yan?...

Pumunta na lang ako sa park dito sa School. Agad ko naman nakita si Mae ang bago kong bestfriend. Galante magsuot,mukhang mayaman,at maganda.

Hello,sabi ko.
Hi,kamusta na ba? Sabi niya sa akin.
Ok lang. Busy pa rin sa pag aaral. Sabi ko ng may halong biro na ikinatawa naman agad niya.
Alam mo ba na may gaganapin daw na Party dito sa park 2 months from Now? Ano,sali tayo? Sabi niy na excite na excite.
Pero alam mo ba na kailangan daw ng kapartner doon eh. Sabi ko sa kaniya na may kasamang lungkot.
Sus. Yun lang pala eh. Marami kang mahahakot diyan,sa ganda mong yan walang magkakagusto sayo. Imposible naman ata iyun. Sabi niya.

~KRIIIIIINNNNNGGG~

Bigla naman kumaripas ng takbo si Mae ng biglang magbell. Hayyy. Problema nun? Sabi ko sa sarili ko. Napaisip ako kung ano next subject. OMG. English nga pala. Patay. Di dapat ako ma-late nito. Patay ako sa Proffesor ko. At late na nga ako.

Bigla na lang sumigaw si Proffesor na Go to Detention Room now!!! .. Hayy. Kapag minamalas ka nga naman oh. Nakkainis naman.

Nandito rin pala si Kuya, si Vincent, si Patrick at si Frank. Ano ba tong kamalasan. Silang lahat makakasama ko sa isang room.

Si patrick angeles nga pala ang badboy na kasama ni Vincent sa pangbubulakbol. Tahimik,mayaman,matangkad,six-pack abs,at Gwapo. Si frank smith naman ay isang Napakaingay na bulakbol at bully sa buong Campus. Kasama ni Vincent sa kagaguhan. Pero may six-pack,tangos ng ilong,matangkad,blonde na buhok at nakasalamin pa na akala mo sa unang tingin ay matalino pero wala rin namang alam.

Vincent's POV
Bakit nandito ka, nerd? Sabi ko ng maangas.
Bakit? Akala mo sayu tong room na to. Sabagay,siguro nga na kaharian mo to kasi lagi kang nadidito sa boring na room na to? Naiinis na sabi niya.
So,ano ngayon ang ginagawa mo dito? May ginawa na namn na hindi maganda noh?. Sabi ko.
Bakit may naman? Eh 1st time ko pa lang naman dito ha? Maangas niyang sabi.
Ahh. Lumalaban ka ha? May araw ka rin sakin!!! Galit kong sabi.
Kung magagawa mo!!Hahahaha.,pangiinsulto pa niya.

Nakatingin lang ang tatlong pugo sa amin at nakangiti pa talaga ha.
Anong nginingiti ngiti niyo dyan ha? Sabi ko
Wala lang,sabay sabay pa nilang sabi.
Ewan ko sa inyo,Matamlay kong sabi.
Ang ganda niyong tingnan, pabulong na sabi ni Patrick.
Ano sabi mo,Patrick. Galit kong sabi.
W-wala.,sabi niya ng nakangitisa di mawariang dahilan.

Paglingon ko sa likuran,nakita ko na nanamalipit sa tawa si Nerd. Iniinis talaga ko nito eh. Ahhh.

Oh ikaw? Anong tinatawa-tawa mo dyan ha? Sabi ko na may padabog pa.
Wala lang. Hahaha. Ganyan ka pala magalit. Hahahha. Para ka lang bakla sa ayus mo kung paano magalit. Ano ba gusto mong tawag ko sayu, Mars?
Pangiinsulto pa niyang sabi.
Ahhh. Galit na galit na ko sayo ah.Akmang hahawaman ko siya ng biglang nag bell at tumayo na ito at pumunta ng pintuan ng detention room at saka humarap at nag-bellat pa ng paulit ulit ,na siya ko namang ikinainis.
May araw ka din saking nerdy girl ka. Tandaan mo yan!!!!!,bulong ko sa aking sarili habang papalabas ng detention room kasama ng mga kaibigan ko na tawa lang ng tawa sa nangyari sa akin kasi first time ko na may mambarang babae at manloko sa akin ng ganun ganun na lang. Kaya ganoon na lang ang galit ko sa kaniya. Hayyy. Nakakainis talaga siya.:'( :-! :-\

I'm Your Bad Lover BoyWhere stories live. Discover now