Chapter 03

3 0 0
                                    

Airene's POV.

"Miss" biglang may tumawag sa akin

Lumingon ako sa kanya pero Hindi ko sya masyadong maaninag ng bigla nya akong hinawakan sa aking braso at hinila nila ako papaalis sa kinauupuan ko.

"Aray!" Angal ko pero tong lalaking to parang wala manlang narinig.

Dire diretso parin sya sa paglalakad habang hawak ang isa nyang kamay sa kamay ko at yung isa nyang kamay ay nasa bulsa nya ,ang astig nyang tingnan pero ang higpit ng hawak nya sa akin ahh.

Huminto sya at dahan dahan nyang binitawan ang kamay ko.

"Teka nga anung kailangan mo sa akin at bakit mo ako dinala dito??" Sermon ko sa kanya.

Pero tong lalaking to !! Hindi manlang natinag ni Hindi nga lumingon sa akin ehh.

"Hoyy kinakausap kita?!!" Pagalit kong sabi.

Dahan dahan syang humarap sa akin na walang emosyon ang kanyang mukha.

Napatakip naman ako ng bibig ko dahil  sa pagkagulat ko sa kanya.
Namilog agad ang aking mga mata sa nakikita ko .
Bakit naman sya nandidito ??
Omeyghedd jeje na kung jeje ehh kenekeleg eke ehh.

"Anung nginingiti ngiti mo dyan" sarkastikong tanung nya.

"Ayyyy!! Grabe totoo ba toh!! O na nanaginip ako !!!" Tarantang taranta Kong sabi.

Sinundot sundot ko ang balikat nya kung totoo nga ang nakikita ko.
Grabe ang tigas ng mga muscles nya grabe totoo nga sya!!!!.

"What the heck!!" Galit nyang tugon sa akin .at hinawi nya ang kamay ko .

Pero kahit nagsungit sya ,Hindi parin mawala ang malalaking ngiti sa labi ko.

"Hello Paulo!!" Masiglang Bati ko sa kanya.

"Kilala mo ako??" Takang tanung nya.

Masaya akong tumango at nginitian ko ulit sya.

"I'm Airene Mendoza ,pwede mo ako ng tawaging airene o di kaya babe kung gusto mo!!" Masayang sabi ko.

At bigla ko syang niyakap sa sobrang kilig na nararamdaman ko ngayun ,nagulat naman sya ng bahagya sa ginawa ko ,pero ayos lang mahal ko parin sya.

"Wait nga lang!!" Awat nya.

At dismayado naman akong umalis sa pagkakayakap sa kanya ,at binigyan sya ng nagmamakaawang tingin.

"Eto lilinawin ko babae Hindi kita hinila dito para lang yakapin mo ako ,hinila kita kasi gusto Kong sabihin sayo-"

"Na mahal mo at ngayun ka lang nagkaroon ng chance para sabihin sa akin" abot tengang ngiti Kong sabi.

Napanganga naman sya sa sinabi ko ,at napangisi naman sya at umiling .

"No I will never ever say that, Hindi kaba kinikilabutan sa sinabi mo ,ang gusto ko lang sabihin kung iiyak kalang din siguraduhin mong nakakakita mararaming kasing nagmumukhang tanga ng dahil sayo ,at punasan mo nga yang mukha mo umiyak kalang nagmukha kanang holdaper sa kanto!!" sabi nito

"Ehh pano yan ?!! Wala akong bimpo " sabi ko

"So??" Sabi nito.

Taas kilay nyang sinabi ,nakita ko naman ang isang bimpo sa may bulsa nya ,dali ko itong kinuha at ipinunas sa mukha ko daw na mukhang hodaper sa kanto.

"Ikaw!! Alam mo ba ang salitang 'pakisuyo' " kunot noo naman nyang sabi.

"Pahiram lang ,sungit !!" Sabi ko.

"Narinig mo nabang pumayag ako!!" Galit paring tugon nito.

Ng matapos Kong punasan ang mukha ko ,aakma ko na sanang isosoli to sa kanya ,ng pigilan nya ang kamay ko .

"Sayo na yan ,hiyang hiya naman ako ehh" sabi nito.

Agad syang tumalikod at Hindi sya lumingon at nagpatuloy lang ng paglalakad.

"Uyy hintay!!" Tawag ko.

Mas lalo pa nyang binilisan ang lakad nya, nakangisi ko parin syang sinundan.

"Uyy" sabi ko ng maabutan ko sya.

Hindi parin sya natinag sa lakas ng tawag ko sa kanya.

"Anu ba gusto mo!!" Pasigaw nyang sabi kaya napatigil ako ng bigla .

"Edi ikaw ,ikaw lang naman ang gusto ko ehhh ayy mali mahal pala kita ,oo mahal kita"Pagmamalaki ko.

Napaawang ang bibig nya sa sinabi ko.
Napailing nalang sya at tuluyan syang naglakad ng napakabilis.

"Sandali!!" Sigaw ko...

*********

Paulo's POV.

"Sandali!!" Rinig Kong sigaw ng babaing Ewan.

Mabilis akong napatakbo dahil kung bakit ba kasi nya ako kailangan sundan pa ,nasabi ko naman na yung gusto Kong sabihin ehhh anu paba kailangan nya.

Abnormal ata yun o maybe kinulangan sa months yun bago naipanganak ,sabihan ba naman ako ng ' mahal kita ' siraulo ba sya ehh ngayun ko nga lang sya nakilala.

"Bro!!" Naatigil ako sa pagtakbo ng makarinig ako ng pagtawag sa akin.

"What took you so long!!!!" Sigaw ko sa kanya.

Nakita ko na sakay sakay sya ng kotse ko ,huminto naman ito sa may tapat ko.

"Napasarap sa date ko ,sensya ganun talaga kapag magandang lalaki habulin ng maraming babae kaya maraming dates." May tono ng pagmamayabang nyang sabi.

"Oo nalang " sabi ko.

Dali akong sumakay ng marinig ko nanaman ang boses ng babaing Ewan na yun.

Pagkasakay ko na rin ay agad nya din itong pinaandar .

"Mukhang napasarap ka din naman sa ka date mo ehh "mapanglokong tanung nya.

" Hoyy!! Wag mo akong itulad sayo!!"sabi ko.

"Bro parang pamilyar sa akin yung babaing yun??" Tanung nya ulit.

"So??" Kibit balikat Kong sabi.

"Anung so?? Syempre kailangan mong malaman yun !! May stalker ka at isang magandang babae yun !!" .

"Maganda?? Pfft ,baka baliw"

Napailing nalang sya ,siguro nabanas narin sa mga pangpipilosopo ko at nagpatuloy nalang sya sa pagmamaneho.

"And before I forgot ,eto ang na ang pinakahuling beses mahahawakan ng kamay mo ANG KOTSE KO!!"








#######
Guys sorry kase kung masyadong bitin ang kwento I experiencing kasi ng author's block ,kasi kahit anung piga ko sa utak wala talaga akong maisip ,bukod sa ingay kasi less than a hour ay 2018 NA !!
But I promise I gonna make bawi nalang.

😘😘😘😍

-justanauthor.

Loving A Stalker.Where stories live. Discover now